Suwerteng malas | Bandera

Suwerteng malas

Joseph Greenfield - October 14, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lanie, ng Barangay Banbanan, Dapitan City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay disgrasyada, na ang tawag ngayon ay single mom.  Pero, kahit may anak ako sa pagkadalaga, pilit kong itinutuloy ang aking pag-aaral kahit kapos ang pera.  Pangarap kong makatapos ng kurso sa anumang health field.  Hanggang sa nakatapos ako at ngayon ay nagre-review para sa board exam.  Sa susunod na taon, balak po kong mag-take ng board exam. Nais ko pong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2014 at suwerte ba sa akin ang taon ito? Sa pag-ibig, gusto ko rin pong malaman kung may magandang love life na nakalaan sa akin, yung tunay na, sa kabila ng pagiging dalagang ina ko. October 17, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Lanie, ng Barangay Banbanan, Dapitan City
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw na malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon, madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa board exam, sapagkat nakatakda na sa iyong palad ang maging professional health worker.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka uli, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ika-apat na pag-ibig, may itatala ng tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending