Jennica Garcia emosyonal sa pagbili ng aircon, water heater: ’10 months na tayong lapot gumigising’

Jennica Garcia emosyonal sa pagbili ng aircon, water heater: '10 months na tayong lapot gumigising'

PHOTO: Instagram/@jennicagarciaph

IBINANDERA ng aktres na si Jennica Garcia ang kanyang pasasalamat sa 7-year-old na anak na si Mori.

Proud niyang ikinuwento sa madlang pipol na maayos ang pagpapalaki niya sa mga anak.

“You’re growing up really well, Ate Mori. I don’t know what it is that I did exactly for you to be the little lady that you are now,” sey ni Jenniuca sa isang Instagram post.

Ayon sa aktres, kahit nasa murang edad pa lamang ay “matured” na ito mag-isip, lalo na pagdating sa kapatid nitong bunso.

Inisa-isa pa niyang inilahad kung gaano ito ka-responsable.

Chika niya, “You insist on doing the dishes when I come home from work. You tell me to sleep on the bed when you catch me with my eyes closed while sitting down when I’m supposed to study. You instruct me to get more sleep when I’m supposed to make breakfast for you and your sister because you can already make food for yourself and Alessi.”

Dagdag pa ni Jennica, “Mahal na mahal kita Ate Mori. Walang hindi ibibigay sayo, walang hindi kakayanin.”

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Sinabi pa ni Jennica na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil biniyayaan siya ng dalawang anak.

“I am so grateful to God for blessing me with two children because I know that when I’m not around. You two have each other,” lahad sa caption.

Ani pa niya, “Us girls… Alessi, you and I are going to be BESTFRIENDS for life.”

Naging emosyonal din si Jennica sa kanyang ibinahaging mensahe para sa anak.

Masayang-masaya siya dahil makakabili na raw siya ng aircon at water heater matapos ang sampung buwan.

“Nanay is getting emotional because I’m heading to the mall tonight to buy an aircon and a water heater for our bathroom,” saad ni Jennica.

Naikwento niya na matagal-tagal na rin kasi silang nagtitiis sa init tuwing matutulog, at para hindi na mag-aantay ang dalawa sa tuwing maliligo sila.

“Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paabutin ng isang taon,” sambit niya.

Patuloy pa niya, “Hindi na rin ako ulit mag-iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon. Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala ng antayan. Nanay got this kids! [fire emoji] Buhat ko kayo lagi [strong arms emoji].”

Bumilib at naantig naman ang ilang katrabaho at kapwa-artista sa pagiging single mom ni Jennica.

Komento ng aktor na si Christian Bables, “Proud of you, tol. You deserve all the blessings! Soar higher!!!”

“You’re a great mama, Lala [red heart emoji] Labyu kapatid ko,” sey ng aktres na si Janine Gutierrez.

Lahad naman ng aktres na si Nadine Samonte, “Grabe [clopping hands emoji] salute to you mama. message me anytime pls.”

Related Chika:

Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?

Read more...