Anak ni Jennica ipinagmalaki ang kanyang trabaho sa mga kalaro: My Mom is a tindera! | Bandera

Anak ni Jennica ipinagmalaki ang kanyang trabaho sa mga kalaro: My Mom is a tindera!

Ervin Santiago - July 28, 2021 - 09:07 AM

TUWANG-TUWA si Jennica Garcia nang malamang super proud sa kanya ang anak na si Athena Mori sa pagiging “raketerang mommy.”

Kuwento ng nagbabalik-Kapusong aktres, minsan daw ay narinig niyang nakikipag-usap ang bagets sa mga kaibigan nito tungkol sa kanilang mga nanay.

Natawa nga raw siya dahil parang nanonood daw siya ng sitcom o comedy show dahil sa usapan ng mga bata habang nagkukuwentuhan about their mommies.

“Matagal ko nang alam na alam ni Mori ‘yung trabaho ko, pero hindi kasi yung pagiging artista ko, ang alam niya tagagawa ako ng laruan,” ang pahayag ni Jennica sa nakaraang episode ng “Mars Pa More.”

Aniya, minsan nga raw ay narinig niya si Mori habang nakikipaglaro sa ilang kaibigan kung saan ipinagmamalaki ng bata ang kanyang work.

“Totoo pala ‘yung mga jokes noong unang panahon, ‘yung ‘Wala kayo sa lola o lolo ko,’ kasi naririnig ko siya nakikipag-ganunan sa kaibigan niyang Inglisero, hindi naman sila nagkakaintindihan,” natatawang pahayag ng nakahiwalay na asawa ni Alwyn Uytingco.

“‘My mama, she came from the states and I have so many toys. My mom is a lawyer,’ sabi ng mga kalaro niya,” kuwento ni Jennica.

Ang sabi naman daw ni Mori, proud na proud siya sa trabaho ng kanyang mommy, “Sabi niya sa mga playmates niya, Well, my mom is a tindera!’

“Sabi ko, ‘Ay ito pala ‘yung jokes noong unang panahon,’ sinasabi pala talaga, alam pala nila ‘yon,” masayang chika pa ng aktres.

In fairness, mula noong magkaroon ng sariling pamilya si Jennica ay talagang gumagawa na siya ng mga paraan para kumita ng pera, lalo na noong magdesisyon siyang iwan muna ang mundo ng showbiz.

“Maraket kasi ako. Nu’ng hindi ako nag-artista, hindi ako mapili sa trabaho,” ani Jennica na hindi ikinahihiya ang mga trabahong pinasok noong hindi na siya nag-aartista.

Nagbenta rin daw siya ng mga tinapay sa dati nilang tinitirhan, “Six floors ‘yung unit namin. Paglalagyan ko ngayon ‘yan ng flyers, de sulat lang sa pad paper tapos ilalagay ko ‘yung Viber number ko, tapos sasabihin ko sa kanila ‘Kaya kong mag-deliver ng 8 a.m. everyday, fresh!'” 

In fairness, umaabot daw sa P800 hanggang P1,000 ang kinikita ni Jennica bawat araw sa kanyang tinapay business.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Very soon, ay mapapanood na uli si Jennica sa upcoming teleserye ng GMA, ang “Las Hermanas” kasama sina Yasmien Kurdi, Albert Martinez, Thea Tolentino, Jason Abalos at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending