Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Xyriel Manabat
HANDANG-HANDA na ang dating Kapamilya child star na Xyriel Manabat na sumabak sa pagpapaseksi at sa mga mas mature and daring na roles.
Feeling ng dalaga, it’s about time na ipakita niya sa madlang pipol ang kanyang versatility as an actress, lalo pa’t napakaraming pwedeng i-explore ngayon sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Ngunit nilinaw agad ni Xyriel na depende pa rin sa materyal na iaalok sa kanya kung dapat bang magpakita ng skin o katawan. Kailangan daw meron itong relevance sa tema at istorya.
Sa naganap na announcement ng Star Magic para sa mga events nila sa mga susunod na buwan, nakachikahan namin si Xyriel at natanong kung ready na ba siyang sumabak sa mas palabang projects na magre-require sa kanya na magpaseksi.
“Kung necessity po siya. Pero if just because magpapa-sexy lang and walang relevance sa story or kind of character sa role, then it’s a no. Kung hindi naman kailangan (magpa-sexy), then I don’t see the need to do so,” tugon ng isa sa cast members ng hit Kapamilya series na “Dirty Linen.”
“Gusto ko pong makita ng viewers ‘yung dedication ko sa craft, and the way I give justice to my roles. Gusto ko pong iyon ang nano-notice nila,” sabi pa ni Tonet, ang karakter ni Xyriel sa “Dirty Linen.”
Samantala, tungkol naman sa mga bashers na nang-ookray sa kanya social media, “I can’t be a hypocrite na sabihin na hindi ako affected kasi meron at meron po akong feelings at hindi po puwedeng maging unfair ako sa emotions ko pag nakakabasa ako ng mean comments.
“I want to be fair with myself. Minsan unintentionally po nakakabasa ako ng negative comments and every time nagri-read ako, yung mga good comments, talking about sa mga episodes ng Dirty Linen kasi gusto ko makita kung ano yung take nila sa performance ko, gusto ko makita kung ano yung babaguhin ko po.
“If it’s about an opinion or unnecessary comments about my public posts, no na po. Gusto ko i-guard yung mental health ko,” aniya pa.