Video nina Carlo Aquino at Eisel Serrano na pinalilibutan ng security guards viral na: ‘Kaloka! Ang OA, wala namang nagkakagulong fans!’

Video nina Carlo Aquino at Eisel Serrano na pinalilibutan ng security guards viral na: 'Kaloka! Ang OA, wala namang nagkakagulong fans!'

Carlo Aquino at Eisel Serrano

LAUGH nang laugh ang netizens when a short video surfaced on Twitter where Carlo Aquino and Eisel Serrano were seen being cordoned off by a slew of security guards.

Sa short video, talagang napakahigpit ng security dahil naghawak-kamay pa ang mga security guards para walang makalapit kina Carlo at Eisel.

What’s nakakaloka is wala namang fans na nagkakagulo sa kanila.

Lumabas ang short video sa Twitter account ni @MadamWanderBeki na may ganitong caption, “Hhaaha wait sino ba yun guy at girl?


“Ang OA ng mga guard wala naman taong dumudumog o lumalapit man lang sa kanila. Dinaig pa un may ari ng mall sa dami ng security.”

Of course, ang daming nam-bash kina Carlo at Eisel sa comment section.

“At kahit kilala sila di rin naman dinudumog ah OA.”

“No but seriously, who are these people?”

“Wahahahahahahhaha. the OA feels…hi ebe es tards. pls provide name tags.”

“Kaloka madami p ung guard kaysa sa tao na sumunod hahahahaha. Sinetch mga starlets na to?!”

Baka Bet Mo: Carmina sa mga netizens: Oo, maarte ako, OA ako pero hindi naman ako sosyal

“May naalala kong ganitong eksena nu’ng eleksyon wala namang dumudumog kay accla pero yung security nya wagas! Hahaha.”

“Muntanga lang. Lalo pa tuloy nag attract ng attention. If pinauna nyo na lang sila ng lakad, la naman makakakilala jan. Hahaah.”

“Pinalilibutan sila ng guard baka daw pumasok sa grocery sa maling entrance.”

“Nagpractice kasi yung mga guard ng ganyang eksena in case dumugin. eh kaso hindi dinumog kaya tuloy lang ang acting.”

“The era of fans mobbing celebrities has long been gone. That was 1960’s-70’s thing. Nowadays, I don’t think there are a lot of places where fans will even care especially local celebrities. Not with the recent generations. It smells desperation by trying to be relevant.”


“Mga bwisit na yan, feeling sikat! Kung sino man may pakana na gwardyahan ng ganyan e SUPER OA!”

“Nakakatuwa naman ang mga kuya guards hawak kamay pa talaga.”

Pero may mga nagtanggol naman sa security guards.

“Siyempre inaalala lang din ang security nila. Paano kung dinumog nga? Tsaka pa lang a-aksyunann? mindset niyo baguhin niyo.”

“People attacking them like it’s their fault. Kesyo feeling sikat. Girrrrl, it’s the guards that are being extra. But can we blame them for doing their job?”

“Daming dada na dada dito di niyo naman alam kung bago nakuhanan eh dinumog sila and fyi kilala sila maris and carlo aquino yan daming epal dito magresearch muna kayo bago kayo dumadada di naman tanga yung mga mall management para palibutan sila ng guard.”

Herlene Budol naglabas ng hinanakit sa lola, binatikos ng netizens: ‘Parang OA naman’

John Arcilla super laugh sa tweet ng netizen tungkol sa mga karakter nila ni Janice de Belen sa ‘Dirty Linen’

Read more...