NAGKAROON ng malaking break ang aktres na si Maris Racal dahil na-showcase niya ang kanyang galing sa pag-arte sa ibang bansa.
Kasalukuyan siyang nasa Italy upang daluhan ang prestihiyosong Udine Far East Film Festival at maging representative ng pinagbidahang pelikula na may titulong “Where Is The Lie?”
Tuwang-tuwa si Maris sa bago niyang milestone at sinabi pang hindi siya makapaniwala sa narating ng kanyang comedy-thriller film.
Sa latest Instagram post nga aktres, inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa naging premiere ng pelikula.
“Still can’t believe this happened,” sey niya.
Caption pa niya, “I am deeply touched by the love and appreciation we received after the premiere of ‘Where is the Lie?’”
Baka Bet Mo: Maris Racal ibinandera ang ukay-ukay dress worth P50, netizens napa-wow: ‘Looks expensive on you’
Kung maaalala, noong April 26 ay excited na ibinalita ni Maris na siya ay magpupunta ng Italya para sa nasabing event.
At kahapon (April 29) ay ibinandera nga ng young actress ang ilang litrato nang makarating sa nabanggit na bansa.
“Just arrived [Italy flag emoji],” caption niya.
Makikita pa sa mga litrato na kasama niya si EJ Jallorina, ang isa pang artista na tampok sa pelikula.
Para sa kaalaman ng marami, ang “Where Is The Lie?” ay isang comedy-thriller inspired film na tungkol sa mga scam at panganib na dulot ng isang website.
Bukod kila Maris at EJ, bida rin diyan ang aktor na si Royce Cabrera.
Isa sa mga layunin ng taunang film festival sa Italy ay ma-promote ang Asian cinema sa buong Europe.
Bukod sa “Where Is The Lie?,” kasali rin sa festival ang pelikula na pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang “Deleter.”
Pati na rin ang “In My Mother’s Skin” na tampok naman si Kenneth Dagatan.
Ang filmfest ay nagsimula noon pang April 21 at natapos nitong April 29.
Related Chika:
Bela Padilla ‘agaw-eksena’ sa dinaluhang kasalan sa Italy