Ogie nagpaka-fan boy sa concert ni Regine; tinawag ni Jaya na ‘best vocalist in the entire world’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Regine Velasquez
NAGPAKA-FAN boy ang Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid sa kanyang asawang si Regine Velasquez matapos mapanood ang first night ng major concert nitong “Solo.”
Ibinandera ng TV host-singer at comedian sa buong universe na wala raw talagang katulad ang nag-iisang Asia’s Songbird kapag sumampa at nag-perform na ito sa stage.
Abot-langit ang papuri ni Ogie kay Regine pagkatapos ng matagumpay na “Solo” concert series nito nito last April 28 at 29 sa The Samsung Performing Arts Theater sa Circuit, Makati City.
Ito ang extended Valentine concert series ni Regine na nagsimula last February at umabot hanggang Abril dahil nga sa tinamo nitong tagumpay.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinagsigawan kahapon ni Ogie ang pagiging certified fanboy ng kanyang pinakamamahal na wifey.
“There is absolutely no one like you when you are on stage. I turn into a 20 year old fanboy when I watch and listen to you with a lump in my throat, tears in my eyes and a heart that beats faster and faster with each note you sing,” ang mensahe ni Ogie kay Regine kalakip ang litrato nito na kuha sa unang gabi ng “Solo” concert.
Ayon pa kay Ogie, na-miss niya ang concert ni Regine last February dahil nasa out-of-the-country show siya noon.
“You are loved my millions because you have made us fall in love with your kindness, your humility, and by how you acknowledge the giver of your wonderful gift of singing.
“Shine again for Jesus tonight for #solo @reginevalcasid I so love you!!! Regine!!!!! (With my high pitched cracking voice),” pahayag pa ng premyadong singer-songwriter.
Bukod kay Ogie, binati rin si Regine ng kanyang mga kaibigan sa showbiz dahil sa kanyang successful concert kabilang na sina Lovi Poe, Geneva Cruz, Martin Nievera at marami pang iba.
Sa comments section ng IG post ni Ogie, nag-message din si Jaya, “As always you’re a blessing to the whole country! I’m always proud to be friends with the best vocalist not only in the Philippines but the entire world. Shine for Jesus!!! At Pare naiyak naman ako sa mga sinulat mo.”
Sa bandang ending ng “Solo” concert ni Regine ay ibinalita niyang tuloy na tuloy na rin ang kanyang 35th anniversary concert na magaganap sa November 25.