MUKHANG hindi na ata makakatakas ang singer-actor na si James Reid mula sa mga mapanglait na mga netizens.
Buhat kasi ng umamin ito sa kanilang relasyon ng kapwa singer na si Issa Pressman, marami nang nagpakita ng disgusto at nagbitiw sa pagbibigay suporta sa binata.
Sa kabila kasi ng pagpapaliwanag ni James na walang kinalaman ang current girlfriend sa paghihiwalay nila ni Nadine Lustre noong 2020 ay marami pa rin sa mga supporters ang nanggagalaiti sa kanya lalo na’t may mga naglabasang isyu noon na si Issa ang diumano’y “third party” sa kanilang break-up.
Sa isang Instagram reel na in-upload ng binata nitong Lunes, April 24, kung saan um-attend siya ng isang event ay inokray ng mga netizens ang kanyang outfit.
“Lol why james reid [is becoming] korean popstar looking a**. Miss the old him! Seems like he’s finding himself I guess,” saad ng isang netizen.
Chika naman ng isa, “Not gay. Wala lang originality. Jericho Rosales yarnnn?”
“Very trying hard,” sey naman ng isa.
May ilan naman na nagbigay ng constructive criticism kay James.
“I’m not trying to hate and just want to see you and others succeed. So please take this as constructive criticism… As men get older, their style should get better and more refined. You’re talented, and if you’re smart, you would fire your stylist. If you don’t have one, please get one that has good taste. This fit looks like a bad outfit from the 1997 set of the mv Barbie Girl by Aqua. It’s trying too hard and fit for a juvenile. It’s giving sleazy porn vibes in pastel. Progress instead of regress,” sabi ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Wag m ning gayahin still ng kpop my own style k nmn parang natagal dna bagay nagiging oa na mas gusto ko pang simple ka dati kesa ngaun.”
Mukhang matatagalan pa bago maka-move on ang mga tao mula sa mga isyu ukol kay James Reid at mukhang magpapatuloy ang mga negatibong komento laban sa binata.
Related Chika:
James Reid nagpasalamat sa pagtitiwala ni Liza Soberano: I know it takes a lot of courage to go against the grain