‘The Iron Heart’ ni Richard Gutierrez bongga ang magiging finale, kukunan nga ba sa Italy?

The Iron Heart ni Richard Gutierrez bongga ang magiging finale, kukunan nga ba sa Italy?
MALAPIT na ba magtapos ang seryeng “Iron Heart” ni Richard Gutierrez dahil base sa umeereng episode ng programa ay nabuking na ni Albert Martinez bilang pinuno ng sindikatong Tatsulok kung sino ang ‘tiktik’ o espiya sa grupo kaya’t pinasusubaybayan na niya ito sa trusted officers niyang sina Manuel Chua, Christian Vasquez at Dimples Romana. Si Jake Cuenca ay pinagdududahan na rin dahil nga malapit siya sa tiktik.

At dahil sunog na si Richard bilang si Tisoy sa grupong Tatsulok ay tinanggal na siya bilang CIB secret agent ng boss niyang si Maricel Laxa at mamuhay na lang bilang normal citizen pero uma-apela ang una dahil kaya niyang pabagsakin si Albert ngayong marami na siyang alam tungkol dito.

Walang nagawa si Richard kundi tanggapin ang desisyon pero sa sarili ay gagawin pa rin niya ang gusto niya para ipaghiganti ang kinilalang ama at tiyahing napatay ng miyembro ng Tatsulok.

Sa ibang anggulo ay hindi pa binabanggit pero si Richard ang batang anak ni Albert na inakala niyang patay na dahil sa pagsabog noon ng laboratory sa kagagawan naman ng kapatid ni Maricel dahil nga hindi ito pabor sa ginagawang experiment ang mga sanggol.

Sa pagkakaalam namin ay aabutin pa hanggang Setyembre ang “The Iron Heart”, pero may nalaman kami na ang finale tapings ng programa ay gaganapin sa Italy mula Mayo 26-30.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?

Kung trulili ito, ang tarush ng “The Iron Heart “dahil ilang cast ang lilipad doon para kunan ang mabibigat na eksena, mala-“The Godfather” ba ito nina Al Pacino at Andy Garcia?

Anyway, maikli man ang role ni Baron Geiler as Januz Salazar ay markado naman dahil pinahirapan muna niya si Tisoy o Apollo para patayin siya dahil binawian niya ng buhay ang pinakamamahal na tiyahin nitong si Anna Marin as Delia Adelantar na asawa ng tito niyang si Roi Vinzon bilang si Hector at ina ni Louise Abuel as Troy.

Anyway, mapapanood ang “The Iron Heart” sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook, YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.

Related Chika:
Aiko pumirma na ng kontrata kay Ogie Diaz; Baron Geisler magbabalik sa ‘The Iron Heart’

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Read more...