IBINANDERA ng singer na si Rachelle Ann Go ang larawan ng kanilang pangalawang anak na si Sela Teruah Spies.
Makalipas ang mahigit isang buwan buhat nang ipanganak niya ang kanilang baby girl ng asawang si Martin Spies ay finally ibinahagi na niya ang mga larawan nito sa madlang pipol.
“Blessed to introduce Sela Teruah Spies. She was born on 23.3.23 at 6:32 pm,” saad ni Rachelle.
Ibinahagi rin ng singer na inabot ng ilang linggo bago sila nakapag-decide sa pangalan ng kanilang anak.
“It took us almost five weeks to choose her name but God’s timing is perfect. Sela means rock, to pause or reflect. Teruah means shout or trumpet blast,” lahad ni Rachelle.
Nag-quote rin ang singer ng bible verse mula sa Exodus 15:2 na nagsasabing “The Lord is my strength and my song. He has become my Salvation.”
Marami naman sa mga kaibigan ni Rachelle sa showbiz ang nagpaabot ng congratulatory messages para sa mag-asawa.
“Aaaaaaahhhhh!!! Congratulations!!! [heart emojis],” saad ni Iza Calzado.
Baka Bet Mo: Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak
Sey naman ni Yeng Constantino, “Congraaaats Shilllin!!!”
“Yahooooooo [hand raising emoji],” hirit naman ni Erik sa post ni Rachelle.
Matatandaang nitong December 2022 nang ianunsyo nilang mag-asawa ang pagbubuntis para sa kanilang ikalawang anak.
Dagdag pa ni Rachelle, excited na ang kanilang panganay na si Lukas na makita ang kanyang baby sister at maging big brother nito.
“Every morning when he sees my tummy he would kiss it. At night, when we do our family prayer and thank God for the baby he kisses my tummy again,” pagbabahagi niya.
Matatandaang noong 2018 nang magpakasal sila ng asawa at 2021 naman nang ipanganak niya si Lukas.
Related Chika:
Rachelle Ann nag-enjoy sa panganganak: I cannot believe we did it!
Rachelle Ann Go buntis ulit, excited na sa kanilang baby no. 2