Madam Inutz ‘pinatay’ sa social media, umapila: Mauuna pa kayo sa akin!

PINABULAANAN ng vlogger at social media personality na si Madam Inutz ang kumakalat na chikang pumanaw na siya.

Sa kanyang Facebook page ay nilinaw niya na siya ay buhay na buhay pa at fake news lang ang sabi-sabi na deadz na siya.

“SA MGA NAG BABALITANG PATAY NAKO T*NG*NA NYO MAUUNA PA KAYO SAKIN!!” gigil na sabi ni Madam Inutz.

Dagdag pa niya, “NAG USAP NA KAMI NI SAN PEDRO KAYO ANG FIRST LIST NYA.”

Tawang-tawa naman ang mga netizens sa status update ni Madam Inutz kaya hindi nila mapigilan ang magbigay komento ukol rito.

“ANNOUNCEMENT: sa lahat po ng gustong magpa MURA ke madam,maaari lamang po na wag kayo mag unahan..lahat po kayo eh mamu MURA…subalit sa kadahilanan na sobrang dami nyo po ngaun,,sa mga HINDI po mamu MURA ngayon eh umasa po kayo na bukas eh kayo po ang UNANG UNANG PAGMUMURAHIN! Maraming salamat po sa inyong pang unawa,” aliw na saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Murahin mo Madam inutz hahaha hahaba pa buhay mo madam kasi mahal ang bayarin mo nag ilaw madam.hahaha.”

“Sino ba kc nagbalita at nagpakalat na patay na kayo.dami ko tuloy iyak,” sey naman ng isa.

Baka Bet Mo: Madam Inutz binastos, minaliit ng ex-boyfriend: Sabi niya sa akin ‘useless ka, wala kang silbi!’

Bukod rito, trending ring ang social media personality dahil sa post nito hinggil sa bill na kanyang dapat bayaran.

Tila marami kasi ang nakaka-relate sa struggle niya sa pagbabayad.

Ani Madam Inutz, “WALA TALAGA AKONG KARAPATAN MAGPAHINGAAA !! SA LAKI NG BILLS KO.”

Umabot lang naman ng halos P33,000 ang kanyang electric bill na ikinaloka ng mga netizens.

“Madam ibig sabihin n’yan malaki na kasi ang income n’yo kaya mataas na ang bill mataas na ang demands lahat ng bills,” sey ng isang netizen.

Payo naman ng isa, “Grabe… ang laki nga! Try mo mag-solar panel madam if ever man nag-centralized aircon ka sa buong bahay mas laking tipid ng solar po hindi ideal pa sa income or net worth ng business n’yo po yung cost of living, invest po kayo muna kung saan makaka-less kasi sa dami n’yo po sa bahay lalaki talaga consumption n’yo po just saying maraming alternative ways po makaka-save ng energy sa kuryente po.”

Related Chika:
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil

Madam Inutz naaksidente, bagong sasakyan nawasak; nagbabala sa mga nagmamaneho ng lasing

Read more...