Ellen Adarna nilinaw na hindi ia-adopt ni Derek ang anak nila ni John Lloyd na si Elias

Ellen Adarna nilinaw na hindi ia-adopt ni Derek ang anak nila ni John Lloyd na si Elias

“OF course not, John Lloyd (Cruz) is present, so, hindi,” ito ang pagsisiguro ni Ellen Adarna -Ramsay na hindi ia-adopt ng asawa niyang si Derek Ramsay ang anak niyang si Elias Modesto Cruz turning three years old this coming June 27.

Karamihan kasi sa mga single mother na kapag nag-asawa na ay ina-adopt ng napangasawa nila ang anak o mga anak nila from their previous relationship, lalo na kung hindi kasal.

Nabanggit na devoted father si Lloydie sa anak na si Elias at hindi ito nagkukulang in terms of suporta kaya walang dahilan para palitan ang surname nitong Cruz.

Ikinuwento rin ni Ellen na hindi lang visitation rights ang mayroon si John Lloyd sa anak nilang si Elias.

“He gets Elias (and) spent time with the Cruz family. He gets schedule and (have) twelve days a month and ‘yun na ‘yun,” paliwanag ng magandang wifey ni Derek.

Inamin ni Ellen na noong kakahiwalay nila ni JLC ay pinayuhan siya ng kanyang pamilya na, “your son also needs his father as much as he needs you. So, ganu’n lang.”

Kaya kahit gaano ka-close sina Derek at Elias base sa mga larawang pino-post ni Ellen lalo na kapag nasa ibang bansa sila ay alam ng una na siya ang daddy at si Lloydie ang papa ng bata.

Inamin din ni Ellen na sa Hunyo niya ipatatanggal ang IUD o intrauterine device para makabuo na sila ni Derek ng anak.

“Dragon baby kaya kailangang manganak ako after February 10 para year of the Dragon, so, naka-schedule ‘yan,” katwiran ng aktres.

Samantala, ipinaliwanag din ni Ellen na kapag nagkaroon na sila ng anak ni Derek by 2024 ay bibilang ng pitong taon bago siya maging aktibo sa showbiz dahil gusto niyang personal na alagaan ang anak tulad ng ginagawa niya sa panganay niyang si Elias Modesto.

Kaya hindi siya tumatanggap ngayon ng TV series dahil gusto niyang matutukan muna ang anak.

Baka Bet Mo: Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen Adarna at Elias: It’s perfect! I love you baby!

“Endorsements okay kasi you have to be there (pag may) events not time consuming compared to tapings,” sambit ni Mrs. Ramsay.

Pag pelikula ay sarado na ang pinto ni Ellen, “Ayoko mag-taping (shooting) ng twenty (20) hours, ‘yun lang ‘yun, ha, ha, ha. Pero pa gang taping 5 hours puwede pero paano ‘yun, I don’t think that’s possible!”

Bukod dito ay ini-enjoy daw ng mag-asawa ang tahimik na buhay at hindi sila nai-intriga.

“Kasi nasa bahay lang kami, tapos no parties mostly family gatherings, (playing) golf, so ano ang iintriga diyan, so, wala talaga,” diin nito.

Pagdating sa mga negosyo ay inamin din ni Ellen na pawang passive income ang kay Derek at gayun din siya.

Klinaro din nitong hindi siya kasosyo o investor ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na matatagpuan sa 23rd Floor ng Ore Central Tower sa BGC, The Fort kung saan ini-launch ito nitong Miyerkoles, Abril 26.

Aniya, ito lang raw ang umayosng kanyang mata sa pamamagitan ng lasik surgery seven years ago.

“Tapos, I had my eye check last year, ‘yung grado is 18-20, di ba ‘yung perfect vision is 20-20? Ako 18-20 after seven years.

“Hindi pa ako nakapunta sa iba (eye care center), dito na ako kasi after 7 years hindi naman nabago ang vision ko, kaya dito lang ako… very homey, it’s not like a clinic, actually parang spa.

“Kaya to my Shinagawa family (Masako Uemori, President of Shinagawa Philippines) at Koji Miyashita, President and CEO of IPS, Inc) I’m so happy to be here… Thank you,” masayang paliwanag ni Ellen.

Kasama rin ni Ellen bilang ambassadress ang aktres na si Sanya Lopez at special guests sina Taguig City District ll Councilor Jomil Bryan C. Serna, Congresswoman Caroline L. Tanchay at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Pero dahil business minded si Ellen hindi imposibleng mag-franchise siya para dagdag ito sa kanyang various businesses.

Related Chika:
Derek love na love ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd na si Elias: Happy birthday, son! Love you so much!

Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu

Read more...