Ken Chan ibinunyag ang sikreto sa pag-aartista: ‘Huwag umasa, mahalin ang trabaho at magtipid’

Ken Chan ibinunyag ang sikreto sa pag-aartista: ‘Huwag umasa, mahalin ang trabaho at magtipid’

PHOTO: Instagram/@akosikenchan

NI-REVEAL na ng Kapuso actor na si Ken Chan ang kanyang sikreto upang tumagal sa showbiz industry.

Ito ay inisa-isa niya sa naganap na media conference para sa kauna-unahan niyang solo film na “Papa Mascot.”

Ayon kay Ken dapat ang maging goal bilang artista ay magsilbing inspirasyon sa maraming tao.

Sey niya, “Unang-una huwag kang umasa na sisikat ka.”

“Bonus na lang kung sisikat ka pa pero ‘pag artista ka, pumasok ka sa industriya na ito because gusto mong maka-inspire ng mga tao. Gusto mong ipakita ‘yung passion mo sa pag-arte,” dagdag niya.

Ang ikalawa naman daw ay mahalaga ang may pagmamahal sa trabaho, pati na rin sa mga kasamahan sa trabaho.

Baka Bet Mo: Ken Chan, Jake Vargas muntik nang magsuntukan dahil sa babae; Kyline umaming mas selosa kesa kay Mavy

“Second tip, mahalin mo ang trabaho mo at mahalin mo ang mga katrabaho mo,” sambit niya.

Patuloy niya, “Iyan ang isa sa mga sikreto para magkaroon ng mahabang buhay dito sa industriya natin.”

Paliwanag pa niya, “Magaling ka nga na artista, na aktor pero hindi maganda ‘yung pakikisama mo sa mga katrabaho mo, hindi ka magtatagumpay din.”

At ang panghuli raw ay kailangan matutong mag-ipon.

Aniya, “Number three, magtipid.”

“Kailangan mong magtipid at mag-ipon kasi ayan din yung sinabi sa akin ng mga magulang ko at ni tita Gloria Romero,” saad niya.

Samantala, showing na sa mga lokal na sinehan ang “Papa Mascot” na pinagbibidahan ni Ken.

Ibinunyag pa niya na ang ganitong klaseng pelikula ang kanyang pinangarap bilang aktor.

“Lingid po sa kaalaman ng lahat na talagang pagdating po sa TV, may mga limitasyon po. Ang paggamit ng mga bad words. Ang paggamit ng sigarilyo. Talagang hindi po natin iyan maipapakita sa TV,” sey niya.

Sambit pa ng aktor, “Pero nagkaroon po ako ng kalayaan bilang isang aktor na maipakita yung matagal ko nang kinikimkim bilang isang aktor. At nailabas ko po dito sa pelikula na Papa Mascot.”

“Isang materyal na kung saan matagal ko nang pinapangarap at ipinagdarasal na magkaroon. At tinupad po yon ng Wide International Film, ni Direk Louie Ignacio, at siyempre ni Lord,” lahad pa niya.

Aniya ng binata, “And ang sarap po sa pakiramdam na makagawa ng mga ganitong pelikula na may aral, relatable, at masarap gawin.”

Related Chika:

Sanya Lopez self-love ang payo sa mga kababaihan: Irespeto at mas mahalin natin ang ating sarili

Read more...