Cece Asuncion pasabog na contest ang isinukli sa natanggap na bashing
KINIKILALA si Cece Asuncion dahil sa pambihirang modeling agency niya sa Los Angeles, ang Slay Model Management, na kumukuha ng mga babae at lalaking transgender models.
Ngunit nang umuwi siya sa inang bayan niyang Pilipinas, sinalubong siya ng pang-ookray online.
Ngunit hindi ang suporta niya sa pamayanang transgender ang ugat ng panlalait, kundi ang napili niyang isuot nang mapabilang sa judging panel ng 2022 Binibining Pilipinas pageant. Binatikos ang pagsusuot niya ng shorts nang makita ito sa isang larawan ng lahat ng judges.
“It’s always been a dream of mine, to have a homecoming. I didn’t think it would be like this. I got back here after 22 years in August, and all of you talk shit about the shorts,” sinabi ni Asuncion sa paglulunsad ng “Slay Model Search Asia” sa Revel at the Palace sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Abril 22. Tinipon sa kumpetisyon ang mga naghahangad na maging modelo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga karatig-bansa.
“You know what, every time the mic is given to me, I see that as an opportunity to talk about the trans community. Whether I’m wearing shorts or pants, it doesn’t matter as long as you hear what I’m saying,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam. Bunga ito ng nauna nang paligsahan sa Estados Unidos na tumatakbo na nang tatlong seasons.
Inamin ni Asuncion na ikinabigla niya ang natanggap na panlalait mula sa mga Pilipino. “Culturally, I’m not very used to that. I really think us Filipinos should support and uplift one another,” ibinahagi niya. Sinabi niyang natatanggap niya ang suporta ng pageant fans, na mahal niya, “but they can also be the worst fans.”
Subalit kinilala pa rin niya ang “certain level of loyalty” mula sa mga tagahanga, at nakikinig sila sa ginagawa niya. “Sana this time maintindihan nila iyong ginagawa ko,” pagpapatuloy niya. “It’s not about me anymore. It’s about a community that I love and who has given me so much meaning. Just sit back and watch what I’m about to do,” pahayag pa ni Asuncion.
Sinabi niyang tulad ng sa pa-contest niya sa US, tatanggap ang magwawagi sa Slay Model Search Asia ng kontrata mula sa Slay Model Management. “You get to restart your life in LA and New York. And we have agency partners in Paris, in Sweden, and Scandinavia,” dinagdag niya.
Sinabi ni Asuncion na naramdaman niyang panahon na upang dalhin sa Asya ang kumpetisyon, lalo pa at nagwagi ng Oscar kamakailan lang ang Malaysian superstar na si Michelle Yeoh bilang unang Asyanang hinirang bilang Best Actress. “We’re having a moment. However, how dare we think that being Asian is a ‘moment?’ We have been around as much as all these people. You see trans people have always been around. This is not a trend, everyone. Trans people have been around for all of these years. So don’t erase them, don’t disrespect them and really give them the platform. They deserve as much as the rest of us,” ipinaliwanag niya.
Tinipon sa unang edisyon ng Slay Model Search Asia ang 24 kalahok mula sa Thailand, India, Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Pilipinas. Mapapanood ang livestreaming ng final competition sa iWantTFC at sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa Abril 27, alas-8 ng gabi. Sa Bigo Live naman ang livestreaming ng mga makukulay na eksena backstage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.