Priscilla Meirelles, John Estrada sweet na sweet sa bakasyon, tinapos na ang problema sa pagsasama bilang mag-asawa

Priscilla Meirelles, John Estrada sweet na sweet sa bakasyon, tinapos na ang problema sa pagsasama bilang mag-asawa

PHOTO: Instagram/@johnestrada_

MUKHANG nalagpasan na ng mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada ang naging pagsubok nilang mag-asawa.

Sa Instagram, ibinandera ni John ang ilang litrato nila ng misis na sweet na sweet habang nasa swimming pool.

Kalakip pa niyan ang caption na “sun” at “heart” emojis.

Nag-post din si Priscilla sa IG at sinabi pa na bagamat abala siya sa pag-aasikaso sa kanilang anak ni John ay hindi pa rin niya pinalagpas na pagandahin ang kanyang tan lines.

Caption niya, “No school day means waking up at Ninesh to attend an online PTC, working online till noon, working a bit more after lunch, supervising your kid during voice class, and updating those tan lines you grabbed during the holidays over a freshly squeezed lemonade.”

Sey pa niya, “Ahhhh… I love days like this [emojis].”

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

Sa isa pang IG post ng dating beauty queen ay ipinakilala niya sa madlang pipol ang regalong aso na ibinigay sa kanya ng kanyang mister noong ipinagdiriwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary.

“Meet Koko, my 10th wedding anniversary gift from my husband and my swimming partner,” lahad niya sa caption.

Aniya pa, “She is adorable, sweet, clingy, and very smart. Cannot have enough of this makulit Baby Dog.”

Magugunitang nag-trending ang aktor matapos ang mga inilabas na posts ni Priscilla patungkol sa “What to call a female that entertains married man?”

Inamin naman agad ni Priscilla na may problema talaga sila ng kanyang asawa at kaya siya nagpo-post ay “napuno” na ito.

Sa panayam naman ng ABS-CBN noong nakaraan ay sinabi ni Priscilla na hindi naman malaki ang naging problema nila ni John at kasalukuyan na nila itong inaayos.

“Actually, we never really had any major, let’s say… I cannot say that it wasn’t well. Every marriage goes through very rough patches. We were going through a rough time, actually for a while already,” chika niya.

Sey pa niya, “We are talking. There is no major happening right now. I think the most important part is that we respect each other and we respect each other’s space. All is good.”

Si Priscilla ay dating TV host-actress at beauty queen rin na siyang nagwagi bilang Miss Globe 2003 at Miss Earth 2004.

Matatandaang ikinasal sina Priscilla at John noong 2011 sa La Union at mayroon silang isang anak na babae na si Anechka na 11-years-old na ngayon.

Related Chika:

John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Read more...