JM de Guzman aminadong ‘kinain’ ng kasikatan: Yumabang po ako

JM de Guzman aminadong 'kinain' ng kasikatan: Yumabang po ako
INAMIN ng Kapamilya actor na si JM de Guzman na naapektuhan siya ng kasikatang natatamasa kaya naman lumaki ang kanyang ulo.

Sa naging panayam ng binata sa “Star Magic Celebrity Confessions”, inalala niya ang naging journey niya mula nang siya ay magsimula sa teatro hanggang sa marating niya ang kanyang pangarap at maging parte ng mga kilalang Kapamilya leading men.

Kuwento ni JM, naging passion na niya ang pag-aartista noong nag-aaral siya. Til naging paraan ito ng aktor para “makatakas” sa mundo dahil habang umaarte ay nakakadiskubre siya ng ibang perspective dahil sa mga ginagampanang karakter.

Ngunit nang naroon na nga siya sa puntong pataas na siya ay tila “kinain” siya ng sistema.

“Na-overwhelmed ako before ‘Angelito: Batang Ama’ kaso after that show basta kinain po ako ng fame, hindi ko na-handle ang fame. Hindi ko alam kung paano iha-handle ang fame,” pag-amin ni JM sa Star Magic Head na si Direk Lauren Dyogi.

Aniya, talagang lumaki ang kanyang ulo at yumabang siya lalo na’t nagkaroon na siya ng big role sa mga proyekto.

Baka Bet Mo: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

“Yumabang po ako, nagkaroon po ako ng big role. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko siguro. I was so arrogant to ask for guidance. I wasn’t healed pa at that time.

“May factor din ang love. Kapag nai-in love, parehas umiiral ang love sa career. Tapos ‘yung time na ‘yon hindi pa ito [‘yung utak] ko umiiral,” lahad ni JM.

Ngayon ay unti-unti na muling bumabalik ang aktor at muling tinutunton ang tagumpay at katuparan ng kanyang pangarap bilang isang artista.

“Goal ko as an artist is to have a purpose. Kung bakit po ako nagpe-perform. Why do I have to maintain certain disposition in life. Nahanap ko po pero gusto ko kapitan lang,” pagbabahagi ni JM.

Nagkuwento naman si Direk Dyogi na noong nakilala niya ang binata ay alam niyang may “something” rito na magbibigay ng mahalagang ambag sa industriya.

“Gusto ko lang rin magabayan ka sa buhay mo na you are able to achieve your full potential. Gusto ko yung kwento mo na lumalaban ka, lumalaban ka sa kahinaan mo, lumalaban ka in your own demons. Importante ‘yung mayroon kang courage and strength,” mensahe ni Direk kay JM.

Sa ngayon ay bibida ang aktor sa isang pelikulang pinamagatang “Adik Sa ‘Yo” kasama si Cindy Miranda.

Bibida rin si JM sa Kapamilya teleserye na “Linlang” kasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Related Chika:
JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Read more...