Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa ‘hemorrhage’

Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa 'hemorrhage and bleeding'

ISINUGOD sa ospital ang beauty queen-actress na si Michelle Dee sa kabila ng selebrasyon ng kanyang 28th birthday.

Nitong Lunes, April 24, matapos ang masasayang birthday update nito sa Instagram stories ay kasabay ng pagbabahagi niya ng larawan habang nakahiga sa isang hospital bed na may kalakip na text na “brb (be right back).”

Nag-post rin si Michelle ng update sa kanyang Twitter account na sumailalim pala sa operasyon kinagabihan ng Lunes.

“Just got out of the operating room. All is well & all love,” tweet ng dalaga.

Ayon sa ibinahagi niyang screenshot ng write up mula sa Village Pipol, “hemorrhage” ang sanhi ng operasyon ni Michelle.

At ngayong araw, April 25, muling nagbigay nag-post ang dalaga ng larawan habang nakasuot ng two-piece swimsuit na may caption kaugnay sa nangyari sa kanya kamakailan.

“Built to last,” panimula ni Michelle sa kanyang caption.

“On my 28th birthday, the Universe has shown me the importance of pacing myself and focusing on my true priorities.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee binalikan ang kabataan kasama ang 2 kapatid na na-diagnose ng autism; kinakarir na ang training para sa Miss Universe PH 2023

“I’ll keep moving forward with self-care, pursuing my passions, and appreciating life’s precious moments,” pagpapatuloy niya.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng words of encouragement kay Michelle.

“Straight from the recovery room. Lakas. Hahahaha! Get all the rest that you need, laban pa tayo!” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Magpalakas ka, Michelle. Iuuwi mo pa ang dapat mong iuwi sa May 13.”

“Built to last and built to win it. My MMD you CAN!!!!” comment naman ni Patty Tiu.

Isa si Michelle sa mga 40 kandidata na maglalaban laban upang maiuwi ang korona bilang Miss Universe Philippines at maging representative ng bansa sa prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo na magaganap sa Sabado, May 13, sa MOA Arena.

Bago pa man ang muki niyang pagsali sa Miss Universe PH, nagwagi na ito bilang Miss World nitong 2019 at Miss Universe Philippines Tourism nitong 2022.

Related Chika:
Michelle Dee nakaranas ng matinding diskriminasyon, pambu-bully sa US; Melanie Marquez naaksidente

Michelle Dee, Celeste Cortesi, Pauline Amelinckx, Maria Katrina Llegado pasok sa Miss Universe PH 2022 Top 16

Read more...