DALAWANG araw matapos makalabas ng intensive care unit (ICU) sa isang ospital ay nagkamalay na ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu.
Abot-langit ang pasasalamat ng Kapamilya actress at TV host kay Lord nang malamang nagising na ang kanyang sister at patuloy nang bumubuti ang kalusugan.
Nagbigay ng update ang dalaga sa health condition ng kanyang Ate Lakam sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan sinabi niyang isang himala ang mabilis na pag-recover ng kapatid.
Sa kanyang IG Story ngayong araw, April 25, ibinalita nga ni Kim sa madlang pipol ang latest development sa pagkakasakit ni Ate Lakam.
“Praise Lord Jesus. Finally had the best sleep after a week of sleepless nights.
“Yesterday, I spent the entire afternoon at the Padre Pio church. Right after, I went back to the hospital then I was shocked my ate called me and asked what happened,” ang bahagi ng mensahe ni Kim sa kanyang IG post.
Pagpapatuloy pa niya,“Truly, faith is the most powerful weapon we all have. Thank you, Lord.
Baka Bet Mo: Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…
“My ate is slowly recovering day by day,” pagbabahagi pa ng girlfriend ni Xian Lim.
Hindi pa rin nabanggit ng dalaga kung ano talaga ang sakit o karamdaman ni Lakam sa kanyang latest social media post.
Nauna rito sinabi ni Kim sa IG post niya kahapon na hinihintay na lang nilang magkamalay ang kapatid, “Thank you for your prayers for my ate Lakam. Sorry I was not able to reply to each one of you. She is out of ICU last night.
“She is transferred to a normal room. We are waiting for her consciousness to regain. Maraming salamat po for praying. Tuloy lang po sana tayo sa pagdadasal. (praying hands emoji). Thank you po sa inyong lahat. (heart emoji),” mensahe pa ni Kim.
Matatandaang noong April 19, sa mismong 33rd birthday ni Kim, ibinahagi ng aktres sa kanyang mga tagasuporta na hindi siya masyadong okay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil sa nangyari sa kanyang ate.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Kim sa mga taong bumabati sa kanya dahil hindi niya nasasagot lahat ang mga ito, “Today is different. I wish it were different. (broken heart emoji).
“Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes. Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally.
“I’m sorry I couldn’t answer all your messages. I appreciate you all so much. (heart emoji) Salamat po. Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. (praying hands emoji).
“Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery. (praying hands emoji),” ang sabi pa ni Kim.
Related Chika:
Kim may pa-tribute para sa b-day ni Sissy Kamy: Swerte kami na ikaw ang sandalan namin!