Hurado’ Karylle bubusisi sa transgender models | Bandera

Hurado’ Karylle bubusisi sa transgender models

Armin P. Adina - April 24, 2023 - 03:18 PM

 

Kasama ni Karylle (harap) ang mga kalahok ng ‘Slay Model Search Asia.’

Kasama ni Karylle (harap) ang mga kalahok ng ‘Slay Model Search Asia.’ /ARMIN P. ADINA

MALIBAN sa pagho-host ng Kapamilya noontine show na “It’s Showtime,” umuupo rin siya bilang “hurado” sa daily singing competition na “Tawag ng Tanghalan” sa programa. Ngayon, magpapakahurado na rin siya sa labas ng telebisyon. Ngunit sa halip na ang matalas niyang pandinig, ang mapanuri niyang panigngin ang gagamitin niya sa bago niyang trabaho.

Isa ang TV host, singer, at theater actress sa judges para sa “Slay Model Search Asia,” ang edisyon sa rehiyon ng kakaibang kumpetisyong “Slay Model Search” sa Estados Unidos, na eksklusibo para sa transgender women na naghahanap ng puwang sa industriya ng modeling.

Inilunsad ang contest ng Pilipinong si Cece Asuncion, founder ng Slay Model Management sa Los Angeles, isang agency para sa mga modelong transgender na lalaki at babae. Nagkaroon na ng tatlong matagumpay na season ang kumpetisyon sa US, kung saan tumanggap ang mga nagwagi ng exclusive modeling contracts mula sa ahensya. Ganito rin ang tatanggapin ng magwawagi sa Slay Model Search Asia.

“I wanted to support Cece. Slay is something that I’ve known about for a while now,” sinabi ni Karylle sa Inquirer sa isang panayam sa paglulunsad ng kumpetisyon na isinagawa sa Revel at The Palace sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Abril 22.

Sinabi niyang nang sumalang siya sa isang shoot sa LA kasama ang pangkat ni Asuncion, bumilib siya sa naging ambag ng ahensya para sa LGBTQIA+ (lesbian, gay, transgender, queer, intersex, asexual, and others) community. “And the fact that [Slay Model Search is] coming to Asia, where a lot of people are very conservative, is a big step forward,” ibinahagi ni Karylle.

Tanggap niyang magkakaroon ng maraming hamon, ngunit napagtantong dahil sa LGBTQIA+ allies na katulad niya ay marahil magsisimula nang magbukas ang isipan ng mga tao. “Being a judge here tonight, it is a step towards that, another person who can see things this way,” ani Karylle.

“Even when I work with children who are sick, for example, I always just look at them as children. So I think we just have to train our eyes and our hearts also to see people as just people, ’di ba?” aniya. Sinabi ni Karylle na maaaring mawaksi ang maraming “preconceived hate” o “preconceived notion” sa pagkakaroon ng ganitong pananaw.

Dinagdag pa niya: “I think it takes years to train yourself [to] see children as children, see people as people. And when you do see the world with those kinds of eyes, then it will be easier to love people.”

Tinipon sa unang edisyon ng Slay Model Search Asia ang 24 kalahok mula sa Thailand, India, Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Pilipinas, na bumandera suot ang slinky crop tops at shimmery shorts. Rumampa rin sila suot ang mga glamorosong gown ng Pilipinong designer na si Nat Manilag, na isa rin sa judges ng kumpetisyon.

Mapapanood ang livestreaming ng Slay Model Search Asia final competition sa iWantTFC at sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa Abril 27, alas-8 ng gabi. Sa Bigo Live naman ang livestreaming ng mga makukulay na eksena backstage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending