Andre Yllana proud Mama’s Boy, sinusunod lahat ng utos ni Aiko: ‘Ang bilin niya lagi, huwag daw muna siyang bibigyan ng apo’

Andre Yllana proud Mama's Boy, sinusunod lahat ng utos ni Aiko: 'Ang bilin niya lagi, huwag daw muna siyang bibigyan ng apo'

Andre Yllana, Aiko Melendez, Jomari Yllana at Abby Viduya

PROUD na ibinandera ng anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana na isa siyang certified mama’s boy at hindi raw niya ito ikinahihiya.

Ayon sa young actor, walang problema sa kanya kung tawagin siyang mama’s boy dahil totoo naman daw ito. Aniya, mula noon hanggang ngayon ay hindi siya naglilihim kay Aiko.

“I’m an obedient son. Lahat ng kalokohan ko, alam niya. Super close kasi namin ni Mommy. Mahal ako ng Mama ko.


“I don’t mind if others call her a stage mom. She consistently checks on me and my activities, even my showbiz commitments, wherever she is,” pahayag ni Andre nang makachikahan ng BANDERA sa grand mediacon ng digital romcom series na “The Rain In España.”

Bukod dito, masaya ring ibinalita ni Andre na okay na okay na ang relasyon niya sa amang si Jomari “Masaya ako kay Mommy, but when I see Daddy, it’s a different kind of happiness I get. Recently, I get more advice from Daddy when it comes to my love life.”

Aniya “the best” ang relasyon nila ngayong magtatay, “The things we failed to do before, we are doing them now. Last April, I had the chance to sleep again in Daddy’s house in Parañaque.”

Baka Bet Mo: Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

“The last thing he told me, ‘Hindi naman lahat nabibigyan ng opportunity. Sige, diyan ka talaga sa showbiz. ‘Yan ang nakikita kong path mo.’

“Sinunod ko lang ang advice ng Daddy Danny ko. Nakinig ako sa sinabi niya. He was mama’s stepdad. I grew up with him. I was very close to him,” lahad pa ng anak ni Aiko.

Samantala, inamin din ng binata na may  non-showbiz girlfriend siya ngayon at nakilala niya ito sa pamamagitan ng amang si Jomari at ng partner nitong si Abby Viduya. Three months pa lang daw silang magkarelasyon.


“Pinana ako ni kupido. Binugaw ako ni dad at Tita Abby. First to chat with her until we were able to meet each other. When we went out on a date, I brought her home early.

“When I still didn’t have a girlfriend, my mom always reminded me to finish my studies first before having a girlfriend.

“I really didn’t expect to have a girlfriend at this point. Now, my mom always reminded me not to have kids first. Ang sabi niya, huwag daw muna siyang bibigyan ng apo. My dad naman reminds me to enjoy my youth,” sabi pa niya.

Kuwento pa ni Andre, hanggang ngayon daw ay istrikto pa rin si Aiko sa kanya. Knows n’yo na hindi pa rin siya pinapayagan ng kanyang nanay na mag-sleep over sa bahay ng kanyang mga kaibigan.

“Baka raw kung saan ako matulog. But I respect that. Compared to other parents, lenient na si Mommy sa akin. I’ve seen other moms did worse,” sabi pa ng aktor.

Mapapanood si Andre sa 10-part  romantic-comedy series na “The Rain in España,” na siyang biggest project niya sa Viva Entertainment.


Ito’y pinagbibidahan nina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene at marami pang iba sa direksyon ni Theodore Boborol. Mapapanood na ito sa streaming platform na Viva One simula sa May 1.

“This project became an eye-opener for me. Ang dami kong naging experiences doing this series,” sey ni Andre.

Sa tanong kung payag siyang magpaseksi sa mga next projects niya at kung open siya sa mga may temang May-December affairs, “Maybe I will pass up an offer to do a sexy role. Hindi ko pa kaya. But I can prepare for that.

“Si Mommy, ayaw niya for me to go sexy. Si Daddy, papayag ‘yun. Okay sa akin ang sexy roles, but maybe not this soon. Maybe in five years,” aniya pa.

Aiko gusto pang magka-baby kaya balak magpa-freeze ng ‘eggs’; may request kay Jomari para kay Andre Yllana

Andre Yllana pangarap makasama sa teleserye at pelikula sina Aiko at Jomari: ‘Pero natatakot ako kasi…’

Read more...