Regine pinaiyak ni Sharon nang mag-celebrate ng birthday: ‘Araw-araw mahal na mahal ka ni Ate, anytime you need me…I love you’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Regine Velasquez at Sharon Cuneta
NAGKAIYAKAN ang mag-BFF na sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta nang muling magkita sa isang episode ng Kapamilya morning show na “Magandang Buhay.”
Nag-celebrate ang Asia’s Songbird ng kanyang kaarawan sa nasabing programa last Friday, April 21, kung saan personal nga siyang binati ng Megastar sa studio.
Napaluha na si Regine nang mapanood ang video greeting ng ilang celebrities na nakatrabaho niya tulad nina Piolo Pascual, Darren Espanto at Gloc-9. At mas tumindi pa ang kanyang iyak nang magpakita na nga si Sharon sa kanya.
Sey ni Mega, proud na proud siya kay Regine dahil sa tinatamasa nitong tagumpay bilang singer at TV host mula noon hanggang ngayon.
“You’re one of the quality human beings I know. Kayo ni Ogie (Alcasid) actually. I am proud of all your success.
“But, I am most proud of the heart you have. I am proud to be your Ate. I’m proud to be your friend. I’m proud to be your student,” sey ni Mega.
Dagdag pa niya, “Always remember na kahit hindi tayo magkasama araw-araw, araw-araw mahal na mahal ka ni Ate, anytime you need me. I love you.”
Reaksyon naman ng Songbird sa message ni Sharon sa kanya, “Maraming salamat Ate. Kararating palang po niya pero nandito siya. Ikaw ang generous. Ikaw ang pinangarap ko maka-close. At nangyari na. I love you, Ate.”
Nagpasalamat din si Regine sa kanyang “Magandang Buhay” family, sa kanyang mga fans at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang showbiz career.
“Nakakatuwa na magkaroon ng show na ginawa kang pamilya. Maraming-maraming salamat sa tiwala,” aniya pa.