Pinay R&B singer Tiana Kocher tumangging mag-audition sa ‘AGT’; OK lang maikumpara sa mga pinsang sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna

Pinay R&B singer Tiana Kocher tumangging mag-audition sa 'AGT'; OK lang maikumpara sa mga pinsang sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna

Tiana Kocher

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakita at napanood namin nang live ang performance ng Filipina R&B singer na si Tiana Kocher.

In fairness, hindi lang magaling na singer at songwriter si Tiana kundi napakaganda pa niya at pwedeng-pwedeng maging artista sa telebisyon at pelikula. Marami nga ang nagsabi na pinaghalong Salma Hayek at Megan Fox ang kanyang itsura.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Tiana ay anak ni Katrina Ponce Enrile at lolo niya ang dating senador na si Juan Ponce Enrile. Lola rin niya ang yumaong veteran actress-singer na si Armida Siguion-Reyna.


Pinsan din niya ang mga celebrities na sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna na magagaling ding mga singer. Sa Pilipinas lumaki si Tiana pero naka-base na siya sa Amerika.

Kinantahan ng US-based Pinay singer ang mga miyembro ng entertainment press sa naganap na presscon last Friday, April 21, sa Delimondo Cafe.”

Dito nga niya ipinakita ang kanyang vocal prowess na swabeng-swabe at napakasarap sa pandinig. Isa sa mga kinanta ni Tiana ang latest single niyang “Slow It Down.”

Baka Bet Mo: Jay-R, Jake Zyrus pinakilig ang mga Fil-Am; nangharana sa Miss Philippines USA 2021

May mahigit six million streams si Tiana as an independent artist at ang kanyang debut single na “Just My Type” ay pumasok sa Top 40 Indie Chart na sinundan ng “Paint the Town” at “Swing Batter” na lumabas sa Croc commercial para sa motion picture na “What Men Want.”

Ang kanyang record namang “U Tried It” na ni-release noong October, 2019 ay ginawa ng four-time Grammy nominated record producer na RoccStar.


Nakipag-collaborate na rin siya with Grammy award winning recording artists tulad nina TLC, Faith Evans, Sage the Gemini, Aj McLean of the Backstreet Boys, Citizen Queen, Bobby V, ASAP Rocky at Latin artist J. Alvarez.

Recently, nagtapos siya sa prestigious entertainment school na Full Sail University ng bachelor’s degree in Music Business. Meron din siyang associates degree sa Musical Theater mula sa Cambridge School of Visual and Performing Arts. Bahagi siya ng Grammy U pati na rin ang National Society of Collegiate Scholars.

Noong April, 2020, nakipag-team up si Tiana with social media giant TikTok during COVID-19 para sa 30-day charity and community driven contest kung saan ay magsasayaw ang mga tao sa kanyang single na “Don’t Trip.”

Ang #DontTripChallenge na ito ay nakalikom ng mahigit P158,500 for both the Philippine and American Red Cross, and generated over 12 million views.

Samantala, knows n’yo ba na inalok ng “America’s Got Talent” si Tiana na mag-audition sa show matapos mapanood ng :AGT” team ang kanyang music video.


Ngunit tinanggihan ito ni Tiana dahil feeling niya ay hindi pa siya handang sumabak sa nasabing American reality talent show.

Hindi naman daw niya tuluyang isinasara ang posibilidad na sumali sa “AGT”, ngunit sa ngayon nais muna niyang mag-focus sa kanyang music career sa Amerika.

Natanong din ang singer-songwriter kung ano ang magiging reaksyon niya kapag ikinumpara siya sa mga pinsan niyang sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna.

“It’s a given, well, I actually respect na they love what they do. I think it’s very different genres but I can also learn a lot from them,” sagot ni Tiana.

Lea, Regine, Gary V pasok sa Top 3 ng pinakamagagaling na Filipino Singers, base sa listahan ng isang R&B lifestyle magazine

Tambalang Gelli-Cris lumelebel sa powers ng KathNiel: Imagine, sa edad na 50 may pa-loveteam pa

Read more...