ChiKapalaran (April 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
LUNES na naman, Ka-Bandera! Happy ba ang iyong long weekend? Nakapag-travel ka ba kasama ang tropa o bagot na bagot ka sa bahay? Huwag kang mag-alala, we got chu! Naritong muli ang ChiKapalaran para gabayan ka sa pagsisimula ng linggong ito.

Finally, tapos na ang Aries season! Mga tropang Taurus, mag-ingay!!!! #AtinNaTo.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Positive vibes at good news lang ang hatid ng ating ChiKapalaran for this week. Sabi nga ni Small Laude, no bashing, it’s for fun!

ARIES (March 21-April 19)

O mars, sure ka na ba dyan? Well. Mukhang hindi aprubado ng madlang pipol ang kalandian mo. Kaya mo bang ipaglaban yarn?

Siyempre, 10% lang naman dapat ang audience impact sa criteria pero ready ka ba na talikuran ang mga kaibigan mo na nakasama mo noong wala pa yang potential bebe mo? Ikaw ang mag-decide if G pa ba or it’s a NO na. Ganda ka ba?

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 22

Song of the day: Lover by Taylor Swift

TAURUS (April 20-May 20)

Isang kwentong maganda na naman po ang tampok ngayong linggo para sa mga Taurus. Iba rin. Now is the time para subukan mong magmahal o kumilalang muli ng bagong tao.

I-date mo na ‘yung matagal nang nirereto ng tropa sa ‘yo. Masyado nang matagal ang pag-aantay non sa ‘yo. Masyado kang pinagpala baka masiko kita. Hmp.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 9

Song of the Day: Happiest Year by Jaymes Young

GEMINI (May 21-June 20)

Time check! Bakit paasa ka pa rin? Kung ayaw mo doon sa tao, i-confront mo. Hindi ‘yung ini-enjoy mo masyado ‘yung atensyon at pagmamahal na ibinibigay ng tao sa ‘yo pero wala kang balak i-reciprocate. Panget mo naman kalaro n’yan!

Kaya ka nasasabihan na hindi masaya ka-bonding eh. Main character ka ba? Huwag ka nang magpaasa. Bastedin mo na kung kailangan kesa masaktan mo pa sila.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 15

Song of the Day: Wala. Di mo deserve ng soundtrip today!

CANCER (June 21-July 22)

Ang listahan ng mga pwede mong landiin ay parang exam, multiple choices! Pak na pak. Isang kwentong maganda na naman. Pero siyempre, gaya ng exam, choose the right answer este person. Be sure na magka-jive kayo sa mga bagay bagay at talagang interesado ka sa tao para naman everybody happy.

Tinatamad na akong mag-advice, kaya mo na yan!

Lucky Color: White

Lucky Number: 20

Song of the Day: Beautiful Girls by Sean Kingston

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (April 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

LEO (July 23-August 22)

Mars, don’t be afraid to ask for help lalo na kung talagang hindi mo na kaya. Ok namang mag-walling at may cryola sa gedli pero hindi ka naman mag-isa. Minsan mas masarap mag-drama ng by group!

Kaya wag kang matakot i-share ang problema sa mga kaibigan mo. Makikinig sila pero siyempre, may kasamang lait yan pero sure kang they genuinely care for you!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 21

Song of the Day: Lips of an Angel by Hinder

VIRGO (August 23-September 22)

Ka-Bandera, ang taas na ng heat index pero parang mas iinit ang ulo ko sa ‘yo. Ano ba talagang gusto mo in life? Magka-dyowa o makipag-cuddle lang without commitment?

Ikaw na bahala mag-decide. Di ka rin naman makikinig for sure pero basta piliin mo kung saan hindi ka magsisisi. Buhay mo yan e, siyempre dapat careful ka pa rin sa choices mo. Paki-text na lang ako kapag may kwentong maganda ka na. K?

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 14

Song of the Day: Ghost by Justin Bieber

LIBRA (September 23-October 22)

Ay, active na active tayo sa ngalan ng love this week, ah? May quota po ba? Char not char.

Alam mo, Ka-Bandera, there’s nothing wrong naman in finding love pero sana fully healed ka na bago ka mag-explore at pumasok sa buhay ng ibang tao. Ayaw rin naman natin na magdulot ng heart break at trauma sa iba. Wag ganoon.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 19

Song of the Day: Love The Way You Lie by Rihanna

SCORPIO (October 23-November 21)

Taas ng standards natin, parang hindi naman ito attainable. Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang mga desisyon mo sa buhay pero parang ganoon na nga.

Hindi masama ang magkaroon ng mga standards when it comes to love kasi you deserve the best pero siyempre, iayon mo rin sa katotohanan. Di ka naman perfect pero gusto mo no flaws na partner? Huuuuy, lahat tayo anak ng Diyos.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 7

Song of the Day: Mirrors by Justin Timberlake

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

You are being too insensitive sa partner mo, Ka-Bandera. Hindi porke hindi niya sinasabi sa ‘yo ang problema ay ibig sabihin wala siyang iniinda.

I-check mo rin kung kumusta siya. Baka need n’ya rin ng bestfriend na makikinig at iintindi sa kanya. Bili ka na rin ng beer para kumpleto na ang iyakan starter pack.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 27

Song of the Day: Tally by BlackPink

CAPRICORN (December 22-January 19)

Mii, mahal ka pa rin ng ex mo. Final answer! Pero di ko sure kung sapat ba ang pagmamahal para ma-survive n’yo ang buhay na puno ng plot twists.

If gusto n’yo talagang i-work out muli ang relasyon n’yo, dapat bafuhin n’yo rin ang toxic traits n’yo. Compromise. Kasi magbe-break lang rin kayo if walang magbabago.

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 18

Song of the Day: So Sick by Neyo

AQUARIUS (January 20-February 18)

Congratulations! Isa ka nang ganap na changed person! Oras na para i-grant ng universe ang masayang lovelife.

Paano kasi ay maayos na ang takbo ng career mo at ok naman ang family mo. May maaasahan ka na ring set of friends kaya ito na, jowa na lang ang kulang! Mars, maraming successful love stories na nagsimula sa dating apps. Ito na ang sign mo. Download na!

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 11

Song of the Day: Collide by Howie Day

PISCES (February 19-March 19)

Naglalaban-laban kayo ng Taurus at Cancer sa kwentong maganda stories ah. Sana ol talaga sismars!

Wag ka na mag-overthink na hindi ka na mahal ng dyowa mo. Bored ka lang. Ang magandang gawin ay kaysa mag-isip ka dyan, gumawa ka na lang ng ways para patatagin pa ang relasyon nyo. Ikaw na bahala mag-decide. Malaki ka na.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 15

Song of the Day: Iris by Goo Goo Dolls

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga Ka-Bandera! Anong handa natin dyan? Handa na ba kayong mahalin ang inflation? Chariz!

Nawa’y maging masaya ang inyong mga kaarawan dahil sabi ni universe, siya na ang bahalang tumupad sa mga pangarap n’yo pero siyempre, kilos kilos pa rin. Sabi nga nila, ang taong masipag, pagtanda pagod. Char.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 2

Song of the Day: Pink Skies by LANY

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Previous ChiKapalaran:

ChiKapalaran (April 10-17, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (April 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Read more...