Xian Gaza ‘super thankful’ sa stepdad ng anak: Lumalaki siya nang maayos nang dahil sa’yo

Xian Gaza ‘super thankful’ sa stepdad ng anak: Lumalaki siya nang maayos nang dahil sa 'yo

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

MAY bonggang “appreciation post” ang self-proclaimed na Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza sa social media.

At ‘yan ay para sa stepfather ng kanyang anak.

Sa isang Facebook post, inisa-isa ni Xian ang mga dahilan kung bakit niya ito lubos na pinasasalamatan.

“Gusto ko lang pasalamatan publicly yung stepdad ng anak ko: Lumalaki siya ng maayos ng dahil sayo,” sa kanyang caption.

Nabanggit pa ni Xian kung gaano kalayo ang ugali nilang dalawa na kung saan ay hindi na niya naaalagaan ang kanyang anak dahil sa pagiging buhay-binata.

Patuloy niya, “You are a great dad to your children, kabaligtaran ko na walang kwenta at hindi marunong magpaka-ama. I just want you to know na sobra kitang naa-appreciate.”

Baka Bet Mo: Chiyo dela Vega agree sa ‘patama’ post ni Xian Gaza ukol sa taong nagbo-broadcast sa publiko ukol sa pagiging unfaithful ng partner

“Ginagampanan mo ng mabuti ‘yung dapat ay role ko at lahat ng aking pagkukulang ay iyong pinupunan. You’re a blessing to my son’s life and so with mine,” sey pa niya.

Bagamat marami raw siyang pera ay hindi nito matutumbasan ang pagiging mabuti at responsableng ama.

“Lumalaki siya sa isang buong pamilya habang nagpapakasarap ako sa aking buhay-binata, something na hindi kayang tumbasan ng pera,” dagdag niya.

Aniya pa, “I wish you all the best in life at nawa’y magkaroon ka ng buhay na masaya bilang padre de familia. Thank you for everything.”

Mababasa rin sa FB post na pinasalamatan din ni Xian ang mga ina ng kanyang mga anak.

“Sa dalawang nanay ng aking mga panganay: Parehas kayong ulirang ina. Swerte ko sa inyo. Blessing kayo sa buhay ko. Your sacrifices are all seen and appreciated,” saad niya sa post.

Humingi na rin siya ng tawad dahil hindi niya ginampanan ang pagiging ama sa kanyang mga anak, bukod sa mga sustentong naibibigay niya.

“Sorry kung ako’y isang walang kwentang ama at pera lamang ang tanging ambag ko sa buhay ng ating anak. May you both live a happy life with your beloved children. Ang success niyo ay siyang happiness ko. Maraming salamat sa lahat-lahat,” sey niya.

Sambit pa niya, “I promise to work hard upang ma-secure ko ng husto ang future ng ating anak. Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi sila nagiging anak ng bilyonaryo.”

Sa bandang huli ay hiniling niya na sana raw ay mahanap na niya ang kanyang “the one” at magkaroon na rin ng sariling pamilya.

“Nawa’y dumating yung araw na mag-settle down ako sa isang babae at magkaroon ng sariling pamilya na ipapakilala sa inyong tatlo kasama ng dalawang bata. Sa ngayon ay magpapayaman muna ko at magpapakasaya sa buhay,” post niya sa FB.

Related Chika:

Pokwang binantaan ang nambastos at nam-bully sa anak: Nurse ka pala? See you in court!

Read more...