Geneva niresbakan ang basher na nagsabing, 'Buti ang anak mo hindi nagpapakita ng puwit sa madlang pipol' | Bandera

Geneva niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Buti ang anak mo hindi nagpapakita ng puwit sa madlang pipol’

Ervin Santiago |April 23,2023
facebook
share this

Geneva niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Buti ang anak mo hindi nagpapakita ng puwit sa madlang pipol’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 08:15 AM

Geneva niresbakan ang basher na nagsabing, 'Buti ang anak mo hindi nagpapakita ng puwit sa madlang pipol'

Geneva Cruz at London Cruz

BASAG na basag ang isang basher sa actress-singer na si Geneva Cruz na walang patumanggang nagkomento ng kanegahan sa kanyang sexy photos sa social media.

Sinita kasi ng naturang netizen si Geneva tungkol sa patuloy na pagbabahagi nito ng kanyang mga litrato sa Instagram at Facebook na naka-two-piece bikini at iba pang mga sexy photos.

Nitong nagdaang April 29, nag-post ang miyembro ng OPM iconic group na Smokey Mountain ng ilang pictures kung saan kasama niya ang kanyang anak na si London Cruz at ilang mga kaibigan.

Aniya sa caption ng kanyang IG photos na kuha sa pagbabakasyon nila sa isang isla receny, “With my long legged baby girl @londonleecruz and our friends. #islandgirltravelerph.”

Maraming pumuri at nagkomento ng positibo sa mga post ng singer pero may isa ngang netizen na pumuna sa palaging pagbabahagi ni Geneva ng mga bikini photos niya sa socmed na halos kita na raw ang kanyang “pempem.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Buong comment ng hater, “Buti ang anak mo hindi nag babandera ng katawan niya. Hindi nagpapakita ng puwit sa madlang people.”

Bwelta naman sa kanya ni Geneva, tumingin daw muna sa salamin ang naturang netizen bago siya magsalita at makialam sa buhay ng ibang tao.

Baka Bet Mo: Geneva Cruz pa-yummy pa rin sa edad na 46; ibinandera ang sikreto sa batang-batang itsura

“Aww… Putting me down because it makes you feel good. Look at yourself in the mirror and try to realize if your attitude is better than my flaunting of the body I work hard for,” banat ni Geneva.

Dagdag pa niya, “I feel sorry for you. Compassion is an important trait to have in this world.

“Shaming me and comparing me to my 8-year old daughter is the lowest of the low. I feel sorry for you. Have a good life. I mean it,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Kasunod nito, ipinost din ng aktres sa kanyang FB page ang screenshot ng pang-ookray sa kanya ng basher. Sabi ni Geneva, mas na-hurt daw siya sa komento ng netizen dahil death anniversary ng nanay niyang si Marilyn Cruz.

“Aww… Lani L. Lazo, nanay ka? It’s my mom’s death anniversary today… you could’ve been more compassionate kasi unnecessary yung comment mo. God bless you,” ang mensahe pa ni Geneva.

Hirit pa ng OPM artist, “She chose to be rude instead of being compassionate. Bullies like her must be stopped.

“I will continue educating people on social media. Ang saya-saya ng buhay ba’t kailangan makialam sila ng di nila problema at di problema.

“I said it before, and I’ll repeat it again: I will wear whatever I want until my boobs are down to my toes; if you have a problem with that, leave my site. Respectfully,” sabi pa niya.

Rhian Ramos sinupalpal ang bashers na nagsabing meron siyang ‘fake bag’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Geneva Cruz rumesbak sa basher na nagsasabing ‘trying hard’ siya: It is a reflection of how bad you feel about yourself

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending