Wish ni Ogie Alcasid para kay Regine Velasquez: May you be worry-free and stress-free!

Wish ni Ogie Alcasid para kay Regine Velasquez: May you be worry-free and stress-free!

PHOTO: Instagram/@ogielacasid

MARAMI ang hiniling ng singer na si Ogie Alcasid para sa birthday ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

At ilan na riyan ay ‘yung maging malaya na ang Asia’s songbird sa mga stress sa buhay.

Sa Instagram ay nag-effort pang gumawa ng photo video si Ogie na kung saan ay ibinandera ang ilang sweet moments nilang mag-asawa.

Caption ng singer, “I love you my dear wife and I wish you pure joy on your special day.”

“May you be granted unlimited time to do scrapbook and watch your most favorite movies on demand,” mensahe niya.

Dagdag pa niya, “Have the best massage from ate gi and nibble on your most fave goodies.”

Ani pa niya, “Most of all, may you be worry free and stress free. Thank you my love for being you.”

Baka Bet Mo: #TripTripLang: Darren Espanto inupuan sa legs si Regine Velasquez, netizens laugh nang laugh

Kasunod niyan ay isa pang IG post na ipinapakita ang litrato ni Regine habang niyakap umano ang kanyang bulaklak na regalo.

“Happy bday my love [smiling face with hearts emoji],” muling pagbati ni Ogie.

Bukod kay Ogie, bumuhos rin ang mga “birthday wishes” ng ilang kapwa-celebrities tulad nina Vhong Navarro, Martin Nievera, Anne Curtis, Jaya, Janno Gibbs, Ryan Agoncillo, Manilyn Reynes at marami pang iba.

Taong 2010 nang ikinasal sina Regine at Ogie sa Batangas.

Matapos ang isang taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na si Nate.

Related Chika:

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Read more...