NILAHAD ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano nga ba ang nangyari noong live interview niya sa komedyanteng si Boobay.
Matatandaang nitong Huwebes, April 20, nang mag-trending ang komedyante dahil bigla na lamang itong hindi nakasagot sa kanyang tanong at kinailangan nilang mag-commercial break para lamang masiguro ang kalagayan ng komedyante.
At nitong Biyernes, April 21, muling binalikan ni Boy ang mga nangyari nang magtanong ang guest nitong si Dingdong Dantes na isa rin sa mga artistang malapit kay Boobay.
“When he was being booked to come to the show… I was told na may nangyari kay Boobay. It wasn’t clear. Ang nakarating sa amin ay nagkaroon ng mild stroke,” pagkukwento ni Boy kay Dingdong.
Pagpapatuloy pa niya, “I remembered telling the staff, ‘Huy, i-postpone muna natin para makarecover [kasi] baka he’s not feeling well.’ But he confirmed that he wanted to do it. He wanted to come to the show.”
Chika pa ni Boy, nang dumating raw si Boobay sa studio ay masaya pa silang nag-uusap usap bago sila umere sa telebisyon.
“There was no indication that he was not feeling well,” dagdag pa niya.
At noong nag-uumpisa na nga ang palabas ay tinanong na ni Boy si Boobay patungkol sa kanyang journey at nang bigla itong tumahimik ay inaakala lang ng host na nagiging emosyonal ito sa pagbabalik tanaw sa bagdaang ganap sa buhay.
“Akala ko iiyak. Akala ko he was getting emotional because he was remembering how he started. So pinapanood ko lang siya. After a few seconds—instinct e— sabi ko, ‘Something is wrong.’ Kaya [tinanong ko siya], ‘Are you OK?’ Siguro mga dalawa o tatlong beses? I said, ‘Are you okay?’”
“Nilapitan ko na kasi I instinctively felt that something was wrong. Niyakap ko and medyo ‘yung weight niya, alam mong [nakasandal] na sa ‘yo,” pag-alala ni Boy.
Wala na raw pakialam ang TV host sa kanyang show at inalala si Boobay.
Baka Bet Mo: Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan
“Wala na. Wala nang camera , Dong. Sabi ko ‘yung buhay ng kahit na sino dito sa set na to as we do our shows, will always be more important than any interview, that any show,” sey ni Boy.
Noong commercial break nga ay agad silang nagpatawag ng mga nurse at doktor. Inalalayan nila si Boobay at makalipas ng ilang minuto ay naging ok na ito. Ang nangyari raw kay Boobay ay silent o mild seizures na nakasanayan na raw nito dahil ilang beses na pala itong nangyari.
“In all the years that I have been on television, that was the first time na may nangyaring gano’n. I don’t think we can panic. Ako, I was praying to God that I’d be present in the moment,” kwento ni Boy.
Sinabihan pa nga niya si Boobay na maaari namang huwag nang ituloy ang show at siya na ang bahala ngunit nanindigan raw si Boobay na maayos na siya at gusto niyang ituloy ang interview.
Matapos ang show ay may mga doktor nang nakaantabay para i-examine at nakitang maayos naman ang kanyang vital signs. Nagpasalamat pa si Boy sa mga doktor dahil sa mabilis nitong pag-aksyon.
Matapos ang pagsusuri ay agad raw humingi ng tawad si Boobay sa lahat ng staff maging sa kanya dahil sa nangyari at doon napatunayan ng TV host kung gaano nito kamahal ang kanyang trabaho at sinabing “safe place” raw niya ito.
Matatandaang nagkaroon ng stroke noong November 2016 at simula noon ay nakakaramdam siya ng mga panahong nagiging unresponsive siya na epekto ng sakit.
Related Chika:
Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo
Liza Soberano nasaktan sa komento ni Boy Abunda: I felt like misunderstood by you