Edu Manzano emosyonal sa birthday greeting kay Luis: Incredibly proud of the man you have become

Edu Manzano emosyonal sa birthday greeting kay Luis: Incredibly proud of the man you have become
PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang naging mensahe ni Edu Manzano para sa anak na si Luis Manzano na nagdiriwang ng kaarawan niya ngayon.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang larawan nilang magkasama kalakip Ng kanyang birthday greeting para sa TV host-actor na ngayon ay isa na ring ganap na asawa’t ama.

Dear Luis, happy 42nd birthday! On this special day, I want to convey my heartfelt blessings and congratulations on your recent blessings of having a wife and daughter,” saad ni Edu.

Pagpapatuloy pa niya, “You have always shone as a son, but now, as a loving husband and father, you radiate even brighter.”

Ani Edu, labis raw ang nararamdaman niyang kaligayahan na makita ang anak na maayos na ginagampanan ang bago nitong responsibilidad sa buhay.

“It brings me immense joy to see you take on these new roles with such devotion and dedication. I have no doubt that you will be an incredible partner to Jessy [Mendiola] and a wonderful father to Isabella Rose,” sey pa niya.

Hiling naman ni Edu ang kaligayahan ng anak at pinaalalahanan ito kung gaano siya kamahal ng mga tao sa kanyang paligid.

Baka Bet Mo: Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?

“I am incredibly proud of the man you have become and excited to see where this new chapter in your life takes you.

“With all my love, Dad,” sey ni Edu.

Sagot naman ni Luis, “Love you daddyo!!”

Binati rin ng aktres na si Cherry Pie Picache, girlfriend ni Edu, ang TV host.

“Happy birthday Luis [emojis] God’s abundant and brightest blessings,” sey niya.

Si Luis ay ang anak ni Edu sa dati nitong asawa na si Vilma Santos.

Nitong February 2021 neng magpakasal ito kay Jessy Mendiola at December 2022 naman nang i-welcome nila ang panganay na anak na si Isabella Rose.

Related Chika:
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: ‘Wow! When did you do that?’

Read more...