UNBOTHERED ang negosyanteng si Tim Connor sa kontrobersyal na bangayan ni Maggie Wilson at ng estranged husband nitong si Victor Consunji.
Sa isa sa kanyang Instagram stories ay natanong siya ng isang netizen kung bakit madalas ay kalmado lang siya sa kabila ng “craziness” na ganap sackanyang paligid.
“If you are referring to the Victor and Maggie Drama?
“The irony of it is that I actually feel sorry for him and although many might feel that I should be angry or upset I am not! I just think he needs some sensible people around him that are looking out for his best interests and not their own…” saad ni Tim.
Bukod rito ay tila nagpahiwatig rin ito sa sitwasyon ni Maggie na kasalukuyang hindi pa rin nakikita at nakakasama ang anak.
Matatandaang nagbunga ng isang supling ang pagmamahalan nila Maggie at Victor, ang 11-year-old son nilang si Connor.
Baka Bet Mo: Tim Connor diretsahang tinanong ng babaeng netizen ng, ‘Are u tuli?’; Maggie Wilson tawa nang tawa
Base raw sa personal na karanasan niya noon, hindi maganda ang nagiging epekto ng pagpapairal ng ego at kapangyarihan.
Pagbabahagi ni Tim, “Speaking from my own bad experiences. Ego and thinking you are powerful can really put you in a bad place.”
Kung siya raw mismo ay may mga anak, mas pipiliin nitong pahalagahan ang pagkakataon na kasama niya ang mga ito.
Sabi pa ni Tim ay kung siya ang nasa sitwasyon ay papayagan niya ang ina ng kanyang anak na magkasama.
“If I had a beautiful healthy young son and daughter I would be cherishing these moments (and letting the mother)…
“And not playing games I will regret in the future,” sey ni Tim.
Matatandaang nito lang nang maglabas ng saloobin si Maggie matapos nitong aminin na hanggang ngayon ay hinaharang pa rin siyang makita ang anak habang ang iba ay malayang pine-flex ang larawan nilang magkakasama.
Related Chika:
Maggie Wilson hindi mag-isa sa laban, promise ni Tim Connor: We got this!
Tim Connor walang balak dalhin sa Pilipinas ang anak kung magkakaroon siya: Absolutely not!