TILA bumawi ang “TV Patrol” sa Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos itong hindi mabanggit sa “Ang Larawan” report noong April 18.
Matatandaang maraming kumuwestiyon sa news program ng ABS-CBN matapos diumano’y “isantabi” ang dalaga na isa sa mga casts sa naturang musical play.
Hindi rin nabanggit maski sa opening spiels ni Gretchen Fullido ang pangalan ni Bea kahit na makikitang hagip naman ng camera ang aktres habang naghahanda para sa nalalapit na musical play sa pangunguna ni Maestro Ryan Cayabyab.
Ilan sa mga nabanggit ay sina Hajji Alejandro, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Rachel Alejandro, Mitch Valdes, Ricky Davao, Kakai Bautista, Kakki Teodoro, Markki Stroem, Karylle at Jericho Rosales.
Kaya naman marami sa mga fans ni Bea ang nagsabing “sinadya” ang hindi pagbanggit sa aktres at iniugnay ito sa naging paglipat niya sa Kapuso network.
Ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin, hindi raw alam ng upper management ang nangyari dahil imposible raw na hindi banggitin ang pangalan ng dalaga dahil isa ito sa mga big stars sa naturang cast.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo hindi nabanggit sa report ng ‘TV Patrol’ ukol sa ‘Ang Larawan’ musical play, bakit kaya?
Ayon pa rito, hindi raw ito katanggap-tangap para sa talent manager ng dalaga na si Shirley Kuan.
Ngunit nitong April 19, umere sa “TV Patrol” ang solo interview ng former Kapamilya actress.
“So it’s been my dream to try theater pero never akong nabigyan ng chance. So, nung nag-land ito sa lap ko, parang I couldn’t say no.
“Although hanggang ngayon, sobrang intimated ako sa kanilang lahat,” pagbabahagi ni Bea.
Gagampanan ng dalaga ang karakter ni Elsa Montes sa ‘Contra Mundum’ na libreng itatanghal sa Metropolitan Theater.
Ayon sa bulung-bulungan, hindi raw naitanong ng isang segment producer sa mga nakatataas at siya na ang nagdesisyon na huwag isama ang aktres sa showbiz segment ng “TV Patrol”.
Samantala, mapapanood ang naturang musical play simula sa Sabado, May 6.
Related Chika:
Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…