BGC may libreng ‘pet fair’, ilang fur babies rarampa sa April 22 to 23 | Bandera

BGC may libreng ‘pet fair’, ilang fur babies rarampa sa April 22 to 23

Pauline del Rosario |April 21,2023
facebook
share this

BGC may libreng ‘pet fair’, ilang fur babies rarampa sa April 22 to 23

Pauline del Rosario - April 21, 2023 - 04:45 PM

BGC may libreng ‘pet fair’, ilang fur babies rarampa sa April 22 to 23

PHOTO: Courtesy BGC

KILALA ang Bonifacio Global City (BGC) bilang “go-to spot” o paboritong destinasyon upang dalhin ang cute na cute na mga alagang hayop.

At para lalong mag-enjoy ang fur babies at fur parents ay muling magkakaroon ng “pet fair” ang nasabing lugar.

Ito ang “Pet Huddle” na nag-umpisa pa noong 2021, isang pet fair na tinatangkilik ang mga maliliit na negosyo na tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga alagang hayop.

Bukod diyan ay kaabang-abang din ang masasayang aktibidad na inihanda para sa mga fur parent at fur baby.

At dahil ang taong ito ang ikaapat na selebrasyon ng “Pet Huddle” ay asahan ang pinakamalaking “pawty” ngayong 2023, ayon sa BGC.

Mangyayari ang pet fair simula April 22 hanggang 23 sa Fifth Avenue ng Bonifacio High Street.

Sabi ng organizers, asahan ang 50 na small businesses merchants, pati na rin ang ilang aktibidad tulad ng Pet Parade, Pet Blessing at Pawject Runway na kung saan ay makikitang rarampa sa entablado ang ilang fashionista na furbabies.

Libre lang ang entrance sa “Pet Huddle” mula 9:30 a.m. hanggang 9:30 p.m.

Para manatiling ligtas ang mga alagang hayop sa darating na two-day pet fair, tandaan ang ilang panawagan mula sa Facebook page ng Pet Huddle.

Related Chika: 

Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending