Sue Ramirez ibinandera si Mayor Javi Benitez, pinatunayang going strong ang relasyon

Sue Ramirez ibinandera si Mayor Javi Benitez, pinatunayang going strong ang relasyon
TINULDUKAN na ng aktres na si Sue Ramirez ang usap-usapan patungkol sa estado ng relasyon nila ni Victorias City Mayor Javi Benitez.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang larawan nilang magkasama ng alkalde.

“Sunsets with my palangga,” saad ni Sue sa kanyang caption.

Sagot naman ni Mayor Javi, “Sunsets are always the best with you.”

Makikitang magka-holding hands at nakadantay pa ang aktres kay Javi kaya naman malabo talaga na totoo ang balitang nagkakalabuan sila.

Matatandaang may mga kumalat na chikang “on the rocks” o may pinagdaraanan sina Mayor Javi at Sue dahil sa naging cryptic post ng huli na “You deserve someone who is sure of you”.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez hindi pa handang magpakasal: Papunta pa lang tayo sa exciting part, guys! So I say, go, go, go!

Marami naman sa mga netizens ang tuwang-tuwa sa bagong update ng dalaga at sa pagpapatunay nitong going strong pa rin ang kanilang relasyon.

“Nagworry din ako sa mga fake news. Love this couple so much,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Stay as sweet couple as you are Inday Sue and Mayor Javi. Thank you Mayor Javi for loving our Inday.”

“Thanks for sharing with us one of the most beautiful view and sunset and your moment together. So heartwarming,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
Sue Ramirez umaasang si Javi Benitez na ang the one: Kapag nag-love ako, love ko talaga…sana siya na!

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Read more...