Ken Chan dugyot na dugyot sa ‘Papa Mascot’, hindi naligo habang nasa shooting; pang-best actor ang aktingan

Ken Chan dugyot na dugyot sa 'Papa Mascot', hindi naligo habang nasa shooting; pang-best actor ang aktingan

Ken Chan

UMANI ng palakpak at papuri ang Kapuso actor at TV host na si Ken Chan matapos ang naganap na premiere night ng bago niyang pelikulang “Papa Mascot.”

In fairness, deserving naman talaga na makatanggap ng positibo at magagandang comments ang binata mula sa mga nakapanood ng pelikula dahil sa ipinamalas niyang akting.

Isa kami sa naimbitahan sa premiere night ng “Papa Mascot” na idinirek ni Louie Ignacio at hindi nasayang ang aming effort at panahon sa pagpunta sa SM Megamall Cinema 2 dahil sulit na sulit ito sa napanood naming pelikula.


Magaling naman talagang aktor si Ken, base na rin sa mga nagawa niyang teleserye at pelikula nitong nga nagdaang taon na nagbigay pa sa kanya ng ilang acting awards.

Pero ibang-iba ang performance niya sa “Papa Mascot”, mas malalim, mas nakaka-tense at mas lumabas ang versatility niya bilang aktor, lalo na sa mga eksenang kailangan niyang umiyak nang bonggang-bongga.

Pati ang itsura at pananalita ng Kapuso star ay binago ni Ken sa pelikula. Dito ko siya unang narinig na nagmura at super dugyot ang itsura kaya sigurado kaming masa-shock ang kanyang mga fans kapag napanood na nila ang movie.

Baka Bet Mo: Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

Sabi nga ni Ken, “Noong unang nabasa ko ang script, sabi ko kinakabahan ako dahil ang layo sa mga ginagawa ko noon. Ang bigat nito. Sabi ko hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ko bubuuhin ang character ko bilang Papa Mascot.”

“Isa sa mga ginagawa ko bago ako sumabak sa pelikula, nanood po ako ng mga pelikula. Ni-replay ko yung mga teleserye na ginawa ko tulad ng ‘Special Tatay’ at mga father and son, or father and daughter movies.

“Pinanood ko rin yung ‘I Am Sam,’ ‘Doll House’ ni kuya Baron Geisler at nakatulong din sa akin yung mga location namin kung saan ako matutulog at magpe-pedicab,” aniya pa.

Ayon naman kay Direk Louie, epektib naman ang ginawang paghahanda ni Ken para sa kanyang role bilang isang tatay na dumaan sa matinding pagsubok ng buhay at kinailangang maghiganti sa mga taong pumatay sa kanyang pamilya.

Sey ni Direk Louie, “Sinira ko talaga ang pagka-glamor boy ni Ken dito. Tuwang-tuwa naman ako sa na-achieve ko. Nakagawa ako ng something out-of-the-box para sa kanya. Soap opera star siya pero film actor siya rito.

“Ginawa ang story na ito for Ken. Sabi ko kay Ken wala pa siyang solo movie, puro may ka loveteam. Eh ang galing niyang aktor. So sabi ko gawa tayo. Yung mga producers ko naman nagustuhan nila yung project,” dagdag pa ni Direk Louie.


At knows n’yo ba na hindi talaga naligo si Ken habang kinukunan ang mga eksenang kailangang ang dumi-dumi at ang baho-baho na niya?

“Honestly, tatlong beses ako naliligo sa isang araw. Pagnaliligo ako tumatagal ako ng dalawang oras sa banyo. Kasi hilig ko talaga maligo at ‘uzi’ ako sa gamit ko.

“Noong first day ko sa pelikula, may putik doon at sabi ni direk, patingin ng kamay mo at paa. Kulang pa. Ibabad mo yung paa mo sa putik. Kailangan madumi ka at natural. Mahirap sa akin yun pero para majustify ko yung role ko, sinunod ko siya.

“Wala nang ligo-ligo noong nag-shoot ako. Kailangan pagdating ko sa location, mabaho at marumi na ako. Wala ng make-up. Minsan yung putik hindi ko na talaga hinuhugasan pag matutulog na ako,” kuwento pa ni Ken.

At in fairness, achieved na achieved nga ni Ken Chan ang kanyang dugyot look sa pelikula na nakadagdag talaga sa kanyang performance na posibleng magbigay uli sa kanya ng mga parangal at best actor awards.

Ang “Papa Mascot” ay mula sa Wide International, kung saan makakasama rin sina Miles Ocampo, Gabby Eigenmann, Liza Dino at Erin Rose Espiritu, na napakagaling din sa kanilang mga role.

Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa April 26.

Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Ken Anderson nadamay sa galit ng bashers matapos kampihan si Gerald

Read more...