Karla humingi ng payo kay Tyang Amy bilang bagong host ng ‘Face 2 Face’; umaming nagiging ‘dinosaur’ kapag binabastos ang mga anak

Karla humingi ng payo kay Tyang Amy bilang bagong host ng 'Face 2 Face'; umaming nagiging 'dinosaur' kapag binabastos ang mga anak

Karla Estrada at Amy Perez

SINIGURO ng TV host-actress na si Karla Estrada na walang isyu sa pagitan nila ni Amy Perez sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ng mga netizens dahil sa pagbabalik ng programang “Face 2 Face” sa TV5.

Marami kasi ang nagsasabi na mas gusto pa rin daw nila si Tyang Amy na siyang original host ng nasabing programa kesa kay Karla. Pero may mga nagkomento rin na bagay na bagay din kay Karla ang programa.

Pero dedma lang naman ang nanay ni Daniel Padilla sa mga patutsada ng bashers at haters dahil ang mahalaga sa kanya ay ang tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya ng TV5.

Sa mediacon ng “Face 2 Face” nitong Lunes, April 17, sinabi ni Karla na suportado ni Amy ang pagkapili sa kanya bilang host ng show pati na rin ang isa pang naging host nito na si Gelli de Belen.


Sa ipinalabas na video bago magsimula ang Q&A, kabilang sa mga bumati kay Karla sina Amy at Gell sa pamamagitan ng video message.

“Napakaraming ibinigay sa aking tips si Ate Amy dahil talagang magkaibigan naman kami.

“In fact, tiyahin ni Daniel (Padilla), yan. Kamag-anak talaga siya ng mga Padilla. So, matagal na kaming nag-uusap about this,” simulang pagbabahagi ng TV host.

“Inayos ko muna at sinigurado ko na ako talaga, bago… pinuntahan ko siya sa bahay niya, at nakipag-usap ako at humingi ako ng advice dahil, of course, si T’yang Amy naman talaga ay inumpisahan niya ito, di ba?

“So sabi niya, ‘Umpisahan mo yung bago. Umpisahan mong ikaw. Huwag mong umpisahang ako.’

“’Pero ito ang magaganda diyan, ito yung dapat relaxed ka lang, kumalma ka.’ So, marami kaming pinag-usapan.

“But at the end of the day, tinapos namin nang masaya, at tinapos namin nang maganda ang aming usapan bilang magkamag-anak.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

“And thank you so much, Ate Amy. And, of course, Gelli also, de Belen, di ba? Dahil na-experience din niya ang Face to Face, naging host din siya dito.

“So, kung ano yung sinabi niya kanina, that’s exactly the same na sinabi niya sa akin. Kaya nakaka-happy na merong mga support mula sa mga dating host kung nasaan tayo ngayon, itong Face 2 Face,” dire-diretsong chika ng nanay ni DJ.

Tawang-tawa nga raw siya nang matanggap ang offer ng TV5 na maging host ng “Face 2 Face”, “Sobrang ganito yung reaction ko nung in-offer sa akin, ganito talaga. ‘TALAGA?!’


“Tapos tumatawa ako nang mga dalawang oras. Tapos na-excite ako. Tapos parang natatakot ako. Ang dami kong naramdaman na emosyon nu’ng in-offer sa akin ang Face 2 Face. Kasi pinapanood ko, e.

“Isa ito sa mga favorite naming panoorin para talagang magalit din kami, umiyak din kami, natawa kami.

“So ngayon, live na live nakikita ko, naririnig ko du’n sa mga guest yung talagang problema na direkta nang naa-absorb ko nang bonggang-bongga. ‘E, ginusto mo yan!’ Ha-hahaha!” kuwento ni Karla.

May anim na episodes na raw silang nagawa, “Hindi ko puwedeng ikuwento pero example, mabilis lang, galit na galit, mga gays na nagpa-pageant sa Miss Gay.

“At galit na galit yung isa kasi nu’ng hiniram yung gown, sinauli, may putok na. So ako, yung tanong ko, ‘Totoo?’ Dinenay na, ‘Hindi galing sa akin!’ Nu’ng hiniram niya, meron na daw talagang putok yun.

“Para sa atin, nakakatawa. Pero para du’n sa nagsasabi, mararamdaman mo na talagang pikon sila. At ang hirap!

“Kaya I say once again, huwag nating basta binabalewala ang mga issues dito sa Face 2 Face. Kasi otherwise, para mo na ring sinabing hindi tao yung nagrereklamo, di ba?” chika pa ni Karla.


“Isyu ay harapin, huwag palakihin” ang bagong battlecry ng programa kaya natanong si Karla kung may isyu ba siyang kinaharap noon na dinedma lang niya at hindi na pinalaki pa.

“Hindi ko na pinapalaki yung mga bashing. Oo, hindi ko na iniintindi ang mga yan dahil ayoko nang lumiit ang mundo ko.

“At kahit anong magandang sabihin mo, kahit anong magandang gawin mo, meron silang masasabi. Because kung ayaw ka nila, wala ka namang magagawa du’n.

“E, ang hirap, okay na yun. Kasi marami namang nakikipaglaban para sa yo, di ba? So, sila na lang. Bashing is talagang walang effect sa akin yan. Na-master ko na yan. Actually That’s Entertainment pa.

“So, nu’ng nauso itong ating social media… ang hindi ko lang napapalagpas ay yung mga anak ko ang na-bash. Yan talaga ay hinahanap ko na ang mga bahay agad,” natawang pagdyo-joke ng TV host.

“Wala, wala, wala! Hindi, basta pagdating… dahil ako’y isang nanay na nagsakripisyo sa aking mga anak ay hindi ko papayagan talaga na nababastos ang mga anak ko sa social media, lalo na ng mga taong hindi naman kilala ang aming pamilya.

“So, I think du’n talaga nagiging ano ako… dinosaur!” hirit pa niya.

Magsisimula na sa May 1 ang “Face 2 Face” kung saan makakasama rin ni Karla ang komedyanteng si Alex Calleja bilang co-host with the resident Trio Tagapayo na sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag, Atty. Lorna Kapunan, at Dr. Camille Garcia.

Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

Best Female TV Host award ni Kim kinuwestiyon, mas deserving daw sina Anne at Tyang Amy; KimXi fans rumesbak

Read more...