Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kathryn Bernardo at Dolly de Leon
KAHIT bumobongga na ang kanyang career sa Hollywood, dito pa rin sa Pilipinas mas gustong manirahan ng award-winning actress na si Dolly de Leon.
Matapos ang ilang linggong pananatili sa bansa, babalik na si Dolly sa Amerika para sa mga susunod niyang movie projects kabilang na riyan ang “Grand Death Lotto” kasama ang mga Hollywood stars na sina John Cena, Awkwafina at Simu Liu.
Pero siniguro nga ng aktres na hindi pa rin siya doon maninirahan. Aniya sa isang panayam, “I’ll still be coming home. I won’t be based there yet. I’m open to it.
“But right now I want to live here. Umuwi talaga ako sa Pilipinas para lang dito (1st Summer MMFF). During Holy Week, me and my kids we just stayed home, played UNO, yung baraha?
“We didn’t go out of town because of this (MMFF Gabi ng Parangal). So I decided to just stay here. Ito na yung bakasyon ko, yung Summer MMFF,” paliwanag pa niya.
Samantala, excited na rin daw si Dolly sa pelikulang gagawin niya under Star Cinema, ang “A Very Good Girl” kasama si Kathryn Bernardo.
Inamin ng aktres na fan din siya ni Kathryn lalo na nang mapanood niya an blockbuster movie nitong “Hello, Love, Goodbye” with Alden Richards, at wala rin daw issue sa kanya kung hindi na maalala ng dalaga na nagkatrabaho na sila noon.
“It’s okay. In the first place, bata pa siya so I don’t expect her to remember. Natural lang yun. Ako kasi I really remember everyone I work with. I’m just like that.
“Siyempre kinikilig ako kasi galing na galing ako kay Kathryn. Kinikilig talaga siyempre kasi napakahusay niya. At saka napakabuting tao.
“She’s really a very good actress and so, of course I’m so flattered. I’m so flattered and I’m really excited to work with her,” sey pa ni Dolly sa nasabing interview.
Inamin din ni Dolly na hindi pa rin siya kumportable kapag tinatawag na Hollywood star, “Actor po ako. I’m not very comfortable with that term. First of all, I’m not comfortable with the term ‘star.’
“I don’t consider myself a star. I’m just a working actor. That’s what I think. I’m an actor who works everywhere. That’s what I would like to think that I do,” ang pagpapakatotoo pa ng aktres.
Tungkol naman sa pagiging head jury para sa 1st Summe MMFF Gabi ng Parangal na medyo kontrobersyal, “Hindi kami namimili ng kung sino ang tatanggalin.
“Pinipili namin kung sino yung mano-nominate and sampu kaming jurors. And kung ano yung lumabas sa pag-ta-tally namin, sila yung pasok and that’s how it was. It’s not like we decided to eliminate anyone. Hindi po ganun yung style.
“It was not an easy decision but I’m very happy with the results. Suffice to say, happing happy ako and if people are not happy with that, you can’t please everybody you know. If dumating yung day na lahat ng tao na-please, it means there’s something wrong,” paliwanag pa niya.