Jewel Mische umaming nakilala ang asawa sa online Christian site; hindi nahirapang iwan ang showbiz

Jewel Mische umaming nakilala ang asawa sa online Christian site, hindi nahirapang iwan ang showbiz: 'Kasi, hindi talaga siya ang first love ko'

Alister Kurzer at Jewel Mische

MEDYO nag-alinlangang aminin ng dating aktres at “StarStruck” Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische na nakilala niya sa online ang kanyang American husband na si Alister Kurzer.

Ayon kay Jewel, ayaw din kasi niyang i-promote ang online dating dahil hindi naman lahat ng naging magdyowa sa pamamagitan ng mga dating app sa internet ay hindi nagkakaroon ng happy ending.

Nakachikahan ni Paolo Contis sa YouTube channel ng Sparkle GMA Artist Center last April 12, si Jewel at dito nga niya ibinahagi kung paano sila nagkakilala at nagkatuluya ng mister niyang si Alister.

“We met online. Pero it was a Christian site. Actually, medyo hesitant lang akong sabihin yung online kasi ayoko magkaroon ng impression yung mga tao na…ayokong i-promote yung online dating. It doesn’t work all the time,” pahayag ng dating Kapuso star.

Pagbabahagi ni Jewel naglilingkod sa online ministry si Alister at nagkakilala nga sila sa isang dating site, “So it was a Christian social networking and he was there to… alam mo yung counselling online?

“He was there to pray for people or whoever needs counselling. Ako naman, nag-join ako kasi, honestly, curious lang ako nung time na yon,” aniya pa.

Hindi rin itinago ni Jewel na siya ang unang nagpadala ng mensahe kay Alister, “Kasi I bumped into his testimony about Christian life and then na-move ako.

“And I messaged him. I said, ‘I love how you love God,’ yung ganon. Tapos doon kami nag-start mag-usap,” sabi pa ni Jewel. Aniya, wala raw idea si Alister noon na isa siyang artista.

Baka Bet Mo: Richard umaming medyo istriktong tatay kay Juliana: Pero ayoko namang kinatatakutan niya ako

“Three months into talking, nagpunta siya sa Pilipinas. A week after, I followed to meet his family and friends sa Michigan,” sey pa ni Jewel kasabay ng pag-amin na medyo napabilis ang takbo ng kanilang love story.

Si Jewel ang nanalong Ultimate Sweetheart sa “StarStruck: The Next Level” na umere sa GMA noong 2006. Makalipas ang apat na taon, nag-ober da bakod siya sa ABS-CBN noong 2010.

Taong 2012 nang lisanin niya ang showbiz hanggang sa lumipad na nga patungong Amerika para doon na manirahan kasama ang asawa. Biniyayaan sila ng tatlomg anak na babae.

Sey ni Jewel, naging madali lamang sa kanya ang iwan ang showbiz dahil
Ayon sa dating aktres, hindi hindi naman daw talaga niya gustong maging aktres.

“Hindi ko pangarap maging artista. I was just plunged into it really young. And since showbiz was not my first love, it was easy for me to quit,” aniya pa.

“So, nu’ng patapos na yung contract (sa ABS-CBN), I was thinking, ‘Should I renew? Should I pursue this?’

“Tapos na-meet ko si Alister, and then napadali yung decision ko kasi magbubuhay-pamilya na kasi. Yun talaga ang gusto ko in the first place,” kuwento pa ni Jewel.

Ina ni Tony Labrusca, ipinagtanggol ang anak: ‘You can’t buy class’

Lee Young Ae ng ‘Jewel in the Palace’ nagpakita ng suporta sa Ukraine, nag-donate ng ₩100 million

Read more...