Taeyang ng BigBang, Blackpink Lisa maglalabas ng collab ngayong Abril

Taeyang ng BigBang, Blackpink Lisa maglalabas ng collab ngayong Abril

ANG bongga naman ng isa sa miyembro ng K-Pop boy band na si Taeyang!

Magkakaroon kasi siya ng song collaboration kasama ang dancer at rapper ng K-Pop girl group ng Blackpink na si Lisa sa kanyang upcoming album.

Ayon sa talent agency ni Taeyang na The Black Label, ang nasabing collab ay ilalabas ngayong Abril.

“Blackpink’s Lisa will be featured in Taeyang’s new album, which is scheduled to be released in April,” saad sa pahayag ng ahensya.

Bukod sa music collab, may bali-balita na bibida rin si Lisa sa music video ng magiging kanta pero wala pang kumpirmasyon mula mismo sa talent agency.

Magugunitang nauna nang nagkaroon ng collab si Taeyang kay Jimin, ang isa sa miyembro ng K-Pop sensation na BTS.

Ito ang R&B single na may titulong “Vibe” na inilabas noong Enero.

Baka Bet Mo: Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

Ang solo album ng BigBang member ay pinamagatang “Down to Earth” at nakatakdang ilabas sa April 25.

Ito ang unang proyekto ni Taeyang mula nang lumipat siya sa The Black Label noong Disyembre.

Noong August 2006 nang magsimula bilang main dancer at main vocalist ng BigBang ang nabanggit na K-Pop idol.

Kilala din siya sa ilan niyang solo hits kabilang na ang “Wedding Dress,” “I Need A Girl,” “Eyes, Nose, Lips” at marami pang iba.

Samantala, taong 2016 naman nang makilala si Lisa bilang main dancer at lead vocalist ng Blackpink.

Nagkaroon na rin siya ng solo project noong 2021 na kung saan ay inilabas niya ang kanyang unang single na pinamagatang “Lalisa.”

Related Chika:

Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua

Read more...