LUBOS na nagpapasalamat ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang sa lahat ng mga blessings na kanyang natatanggap.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng komedyana ang kanyang pagiging grateful sa kabila ng mga negatibong pinagdaanan sa kasalukuyan.
“Thank you Papa God sa maraming blessings at trabaho,” saad ni Pokwang.
Pagpapatuloy niya, “Salamat po sa mga nagtitiwala parin saking talento.”
Kasunod naman ng pagpapasalamat ni Pokwang ay ang pagpapasaring niya sa tila malas sa kanilang buhay mag-iina.
“So alam na sino ang jinx sa buhay ko hahahahahahaha,” sey ng Kapuso star.
Kahit na walang pangalang nabanggit si Pokwang ay siguradong ang ex-partner nitong si Lee O’ Brian ang pinatututsadahan nito.
Ngayong taon ay naging usap-usapan ang dalawa matapos lumabas ang tunay na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Baka Bet Mo: Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?
Pag-amin ni Pokwang sa isang panayam, pinili niyang pagtakpan ang kanyang dating karelasyon dahil umaasa ito na hanggang sa huli ay pipiliin sila nito at makukumpleto rin ang kanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng mga efforts na kanyang ginawa ay tila wala nang balak si Lee na balikan sila at tuluyan na rin niya itong sinukuan.
Dito nga ay inamin na niya kung anong klaseng partner si Lee at ang hindi niyo pagbibigay suporta o sustento habang pinapalaki nila ang kanilang anak na si Malia.
Ani Pokwang, siya mismo ang gumastos sa lahat buhat sa kanyang pagdadalangtao kay Malia hanggang sa ngayon na medyo malaki na ito.
Isiniwalat rin nito na sa loob ng ilang taon nilang relasyon ay never siyang nakatanggap ng bulaklak mula rito kahit ilang birthday at mother’s day na ang nakalipas.
Bukod pa rito ay sinabi rin ni Pokwang na ilang beses niyang ipinagtanggol ang ex-partner mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan kahit na marami sa mga ito ang tutol talaga sa relasyon nila.
July 2022 nang kumpirmahin ng Kapuso star na hiwalay na sila simula pa noong November 2021.
Sa ngayon ay bukod sa trabaho, abala rin si Pokwang sa pag-aasikaso ng legal matters sa pagitan nila ng dating kapareha pati na rin ang kustodiya at iba pang mga bagay na may kinalaman sa kanilang anak.
Related Chika:
Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa
Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto