Enchong wala nang pake sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kasarian: ‘Kailangan ‘yung pangarap ko mas malaki kesa sa takot ko’

Enchong wala nang pake sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kasarian: 'Kailangan ‘yung pangarap ko mas malaki kesa sa takot ko'

Echoing Dee

SA mga nakapanood ng “Here Comes the Groom” ay maraming pabor na manalong best actor si Enchong Dee dahil napakagaling naman talaga ng kanyang pagganap bilang si “Junior”.

Pero nang mapanood na ang “About Us But Not About Us” ay nagdalawang-isip na ang mga nagsabing si Enchong ang dapat manalo dahil ang husay din nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas.

Nang makatsikahan namin ang mga nakapanood ng “Love You Long Time” ay may mga nagsabing deserve rin ni Carlo Aquino ang mag-uwi ng award.

Sa madaling salita apat ang matunog na pwedeng manalo sa pagka-best actor.


Sa panayam ni Enchong sa “Cristy Ferminute” kaninang tanghali na napakikinggan sa Radyo5 92.3 TRUE FM ay sinabi ng aktor na mapasama lang siya sa mga nominado ay malaking pasalamat na dahil muling umingay ang pangalan niya.

“Yung lang po ang gusto ko na kapag napasok po ako sa listahan ng nomination sobrang panalo na po.

“Madalas nating naririnig ‘yung ganitong salita pero ako sobrang masaya kasi alam ko doon sa body of work ko mayroon akong nagawang something na naging interesado at napanabik ko ulit ang audience ko.

“Napasaya ko kayo and naging usapan ulit ang pangalan ko sa larangan ng pagiging aktor kaya sobrang laki nap o iyon sa akin,” paliwanag ni Enchong.

Baka Bet Mo: Enchong Dee nagpakita ng suporta kay Leni Robredo, nakipag-reunion sa Salazar siblings

Sa tanong ni Nanay Cristy kung ano ang reaksyon ng aktor nang si Romnick ang manalong best actor, “Sobra po iyong naging inspirasyon sa akin kasi si Kuya Romnick naka-trabaho ko na at ang tagal na rin niyang naging idolo.

“Dinaanan niya lahat from love team, matinee idol, tapos ngayon isang matinding aktor. So, naging inspirasyon siya sa akin na ‘okay marami pa akong tatahakin, maraming kanin na kakainin.

“Gusto kong maging inspirasyon si kuya Romnick na akala mo chill lang, akala mo barkada-bardaka lang pero pag tumingin na siya sa kamera, pag ginawa na niya ‘yung (eksena), sobrang sarap niyang idolohin at sobrang deserving lalo’t nag-travel na siya sa iba’t ibang bansa at nanalo,” katwiran ni Enchong.

Isa pang dahilan ng pagpapasalamat ni Enchong kahit hindi siya nanalo ay napansin na muli siya ng producers at casters, “At nakilala rin ulit ako bilang aktor kaya masayang-masaya po talaga.”

Samantala, natanong ni ‘Nay Cristy kung binasa ni Enchong ang script ng “Here Comes The Groom” bago niya ito tanggapin dahil nga sa ginampanan niyang karakter na gay ay baka mabuhay ang matagal nang isyu na kinukuwestiyon ang kasarian niya.


“Ako po kasi lagi kong sinasabi for the past 16 years at alam kong laging usapin din sabi ko kailangan ‘yung pangarap ko mas malaki kaysa doon sa takot ko, e.

“Ang pangarap ko po kasi makilala bilang isang aktor, dependable na aktor, at yun po ang pinapangarap ko at gusto kong magtagal dito sa industriya na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon ng ganito katagal.

“Kailangan kong tahakin ‘yung daan na hindi nadaanan ng karamihan ng aktor. Kailangan kong labanan ang lahat ng takot na puwede kong katakutan kung gusto kong makilala bilang aktor,” pahayag ng Kapamilya actor.

Sabi pa ni Enchong, maganda ang materyal kaya hindi niya puwedeng palampasin dahil nanggaling ito sa “Here Comes the Bride” na sinuwerte si Angelica Panganiban na gusto rin niyang makatikim ng kahit katiting na suwerte na natamasa ng aktres ay sobrang okay na sa kanya.

Samantala, puro puri naman ang mga nabasang komento ni Nanay Cristy sa “CFM” patungkol kay Enchong.

Enchong Dee lumipad pa-Davao para sa hearing ng kanyang P1 billion cyber libel case

Enchong Dee umaming matinding challenge ang gumanap na transwoman: ‘Ang hirap maging babae!’

Read more...