PUMANAW na ang South Korean actress na si Jung Chae Yull sa edad na 26.
Natagpuan na lamang ang dalaga na wala nang buhay sa kanilang tirahan nitong Martes, April 11, ayon sa mga lumabas na report.
Mismong ang kinabibilangan nitong talent agency na Management S ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa pagkamatay ni Chae Yull sa pamamagitan ng isang official statement.
Naglabas rin ng English translation ng official statement ang Soompi, isang South Korean website.
“Today, we are relaying sorrowful and heartbreaking news. Actress Jung Chae Yull has left our side on April 11, 2023.
In accordance with the wishes of the bereaved family who must have been in greater sadness than anyone else, the funeral will be held quietly in private.
“Please wish for Jung Chae Yull, who had always been earnest in her pursuit of acting, to rest in peace in a warm place.
Baka Bet Mo: South Korean star Na Chul pumanaw sa edad na 36
Read more: https://bandera.inquirer.net/336769/south-korean-star-na-chul-pumanaw-sa-edad-na-36#ixzz7yfKDyK9u
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
“We earnestly request that you refrain from writing speculative articles or spreading rumors,” ayon sa pahayag ng Management S.
Unang nakilala si Chae Yull matapos itong sumali sa reality show na “Devil’s Runway” noong 2016.
2018 naman nang mag-debut ito sa kanyang acting career at napabilang sa Korean film na “Deep”.
Bukod rito, kabilang rin si Chae Yull sa mga K-Drama series na Zombie Detective (2020) at I Have Not Done My Best Yet (2022).
Bago ang pagpanaw ay nasa kalagitnaan ng pagsu-shoot ng pelikulang “Wedding Impossible”, isang web novel-based drama.
Nakikiramay naman ang buong produksyon ng naturang pelikula sa pagkawala ni Chae Yull.
“We express our deep condolences. Future filming schedule is under internal discussion,” ayon sa isang representstive ng production team.
Related Chika:
Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect
149 katao patay sa ‘Itaewon Holloween’ stampede sa South Korea; ano nga kaya ang tunay na nangyari?