KINUYOG ng mga netizens ang ginawa ni Gyalwa Rinpoche, ang kinikilala bilang 14th Dalai Lama matapos mag-viral ang video lung saan inaabuso niya ang isang menor de edad.
Ang naturang video ay kuha pa noong February 2023 na kuha sa Dharamshala, ang winter capital ng Himachal Pradesh, India.
Makikita sa naturang video na sinabihan ng Dalai Lama ang batang Indian na lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
Tumalima naman ang bata sa ipinag-utos sa kanya at agad na hinalikan ay niyakap ang 87-year-old Nobel Peace Prize winner.
Matapos nito ay itinuro ng Dalai Lama ang kanyang labi at sinabing halikan rom ito. Hinawakan niya ang baba ng bata sabay halik rito kasunod ang linyang, “And suck my tongue”. Inilabas nito ang kanyang dila na siyang dahilan ng pagtawa ng mga tao sa kanilang paligid.
Makalipas ng dalawang buwan ay nag-viral nga ang naturang video at kinondena ang ginawa nito at sinabihan itong “pedophile”.
Nitong Lunes, April 10, humingi ng paumanhin ang tanggapan ng Dalai Lama at naglabas ng official statement ukol sa video.
Baka Bet Mo: Pamilya Magalona ginunita ang 14th death anniversary ni Francis M: ‘My love for you is undying, Pop! Rap in paradise’
“A video clip has been circulating that shows a recent meeting when a young boy asked His Holiness the Dalai Lama if he could give him a hug.
“His Holiness wishes to apologize to the boy and his family, as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused.
“His Holiness often teases people he meets in an innocent and playful way, even in public and before cameras. He regrets the incident,” saad sa naturang official statement.
Sa kabila ng paghingi ng tawad ay marami pa rin ang kumukondena at kumukwestiyon sa ginawa ng Dalai Lama.
“Absolutely uncalled for and extremely inappropriate. There is no excuse for such behaviour especially from someone who holds such rank and should know that our young are pure and knows the sanctity of same. With greater knowledge comes greater responsibility! Shameful!” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa sa official statement ng Dalai Lama, “There is no excuse for this behaviour. I am shocked and horrified, this will affect that child forever and is a public display of paedophilia from someone in a position of immense power and an apparently religious person, exceptionally worrying.”
“How are people defending this? As a parent, I found the video to be sickening! The boy was clearly uncomfortable, no laughing/playful matter on his part. The only person who benefited from that was an adult taking advantage of a child!” dagdag pa ng isa.
Ang Dalai Lama ang pinakamataas na spiritual leader at pinuno ng bansang Tibet na nagsimula pa noong 1940.
Other Chika:
Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’
Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako