Pokwang binalaan ang netizen na tumawag sa kanya ng palengkera: ‘Sali kita sa demanda, go ka lang ate’

Pokwang binalaan ang netizen na tumawag sa kanya ng palengkera: 'Sali kita sa demanda, go ka lang ate'

Pokwang

BINALAAN ng Kapuso comedienne na si Pokwang ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “palengkera” at nagsabing hindi pa rin siya nakaka-move on sa paghihiwalay nila ni Lee O’Brian.

Hindi pinalampas ng komedyana at TV host ang pag-epal ng isang Instagram user sa kanyang personal life at talagang niresbakan nita ito nang bonggang-bongga.

Sa ipinost ni Pokey sa kanyang Instagram account, kung saan kasama niya ang abogadong si Atty. Ralph Calinisan, nag-iwan ng comment ang naturang netizen at tila ipinagtanggol si Lee.


Nagtataka raw siya kung bakit hindi pa rin matanggap ni Pokey na may bago nang dyowa ang kanyang dating live-in partner.

Hirit ng netizen, “Di mka move-on? Saksi kc kmi sa mga food fair na sinasalihan nyo ni mr lee. At vlogs nyo din…at kumikilos din nman yung tao admit it or not.

“May mga naging participation din nman sya. Di mo lng kasi mtnggap na nkakita sya ng ibang babae hbang hiwalay kayo. #Move on na. Nakkita tuloy ng mga tao ang ibang di knais nais mong paguugali,” ang sabi pa ng netizen.

Baka Bet Mo: Heart niresbakan ang basher na tumawag sa kanya ng ‘gold digger’: I don’t need anyone to survive…I am a woman!

Bwelta ni Pokwang, “Sali kita sa demanda? expertise ni atty. @ralph_calinisan magpahanap sa NBI ng mga accnt na kagaya mo.”

Tila hindi naman natakot ang netizen kay Pokey dahil sinagot uli siya nito, “See? Ganyan ka kapalengkera. Galit na galit ka sa mundo. Thats how we see u.

“This is my 1st time to comment in a post & nkkagulat how you react to a post na para sayo ay negative on your side, tatay pa rin yan ng anak mo. Try to control pa din your temper for the sake of your child,” sey nito.


Komento sa kanya ni Pokwang, “OK ate go ka lang goooowww maganda yan na screen shot na kita tuloy mo lang.

“Minsan pipiliin natin ang pangengialam ng buhay ng may buhay, so ready kaba? Sinong we? We? thats how we see you???? Atty. @ralph_calinisan pahanap mo na itong epal na ito,” hirit pa niya.

Ngunit sa halip na manahimik na lamang, sunagot uli ng netizen si Pokwang, “Ouchie.. you’re hopeless. Your attitude is hopeless. Attend ka po counselling/theraphy pra maibsan ang galit sa dibdib mo.”

Banat naman sa kanya ni Pokwang, “Mas kailangan mo yan teh kasi di ka busy! ano gusto mo realsyon ko sa comment mo?

“Ikasaya ko? Tanga ka? ikaw nagpunta sa accnt ko tapos ngayon pa victim ka? sige tuloy lang the more chika the more ebidensya!” aniya pa.

Sa puntong ito, hindi na nag-reply ang netizen.

Matatandaang sa panayam kay Pokwang ng “Fast Talk With Boy Abunda” noong February, nabanggit niya na wala naman siyang planong kasuhan ang ex partner.

Ang dahilan daw kung bakit nakipag-usap siya sa abogado at upang mabawi ang YouTube at social media accounts na dati nilang pinaghahatian ni Lee.

Bukod dito, inaayos na rin ng komedyana ang mga legal documents para palitan ang apelyido ng anak nilang si Malia  na O’Brian at isunod na sa kanyang surname na “Subong.”

Kelly Day rumesbak sa basher na tumawag sa kanya ng ‘kabet’: They trust unreliable chismosa columnists vs. actual facts!

Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda

Read more...