Ronnie Liang binigyan ng tribute ang mga sundalong Pinoy at war veteran: ‘We thank you for your service and your sacrifice’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ronnie Liang kasama ang ilang sundalong Pinoy
BINIGYAN ng pa-tribute ng actor-singer at military reservist na si Ronnie Liang ang lahat ng sundalong Filipino at war veterans kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon.
Todo ang pasasalamat ni Ronnie sa mga opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines pati na sa mga beteranong nagsakripisyo at nagbigay-serbisyo para sa sambayanang Filipino.
Isa si Ronnie sa mga artistang aktibo sa pagtulong at pakikiisa sa mga aktibidad at misyon ng Armed Forces of the Philippines bilang 2nd lieutenant Army Reservist (simula pa noong 2019).
Sa Instagram page ni Ronnie na isa ring licensed pilot, nagbahagi siya ng ilang litrato na may caption na, “As we commemorate Araw ng Kagitingan, also known as the Day of Valor or Bataan Day, we honor the brave and selfless Filipino soldiers who have dedicated their lives to defending our country and upholding the principles of freedom, justice, and democracy.
“Their unwavering commitment to duty and patriotism is a testament to the courage and resilience of the Filipino people.
“From the battles of World War II to modern-day conflicts, our soldiers have always answered the call of duty, even in the face of the odds,” ang mensahe ng singer na makikita sa kanyang Instagram post.
Pagpapatuloy pa niya, “To the Filipino war veterans and soldiers, we thank you for your service and your sacrifice.
“You embody courage and honor, and your legacy will continue to inspire generations of Filipinos. Mabuhay ang ating mga asundaluhan! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag pa niyang pagpupugay sa kasundaluhan.
Matatandaang nito lamang nakaraang buwan, nag-record ng kanya si Ronnie kasama ang iba pang celebrity reservists para sa 126th anniversary ng Philippine Army.
Kabilang na nga rito ang mga nasa reserve force ng AFP na sina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Jimboy Martin, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Bubbles Paraiso, Aya Fernandez, Vickie Rushton, Jason Abalos, at marami pang iba.
Nauna rito, ipinagtanggol ng singer-actor ang mga celebrities na pumapasok sa military at nage-training para maging Army, Air Force at Navy reservist.
“Ako po ay isang Army Reservist at nais ko pong ipaabot ang aking opinyon tungkol sa isyung nabanggit tungkol sa aming serbisyo.
“Gusto ko po sanang malaman ng lahat na ang aming pagsisilbi sa ating bayan ay hindi lamang para sa display.
“Bilang isang reservist, mayroon po kaming responsibilidad na tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan na walang anuman inaasahang kapalit, Para Sa Bayan (volunteer).
“Marami po sa amin, kabilang na ako, na naipadala na sa Sulu, ay aktibong sumasagot sa mga tawag ng pangangailangan ng ating bansa.
“Ang aming pagiging kilala ay hindi hadlang sa aming serbisyo at pagmamalasakit,” pagtatanggol pa niya sa mga kapwa celebrity reservists.