Jolina napatunayang nagtatampo rin ang alagang aso: Nagtatago siya sa kumot at biglang nakikita ko may luha

Jolina napatunayang nagtatampo rin ang alagang aso: Nagtatago siya sa kumot at biglang nakikita ko may luha

PHOTO: Instagram/@mariajolina_ig

TILA napa-throwback at biglang may na-realize ang aktres na si Jolina Magdangal matapos makita ang mga lumang pictures at videos ng kanyang dating fur baby na si Fufu.

Sa Instagram, ibinandera niya ang mga ito at sinabing napatunayan niyang nagtatampo rin ang mga alagang hayop.

Caption niya, “Sharing lang…1st and 2nd picture ay ‘nung natatanggap na ni Fufu si Pele, and yes dito ko napatunayan na pwedeng magtampo din ang furbaby natin pag may iba nang baby, lalo na kung hindi sila masyadong nakakasama at nakakapaglaro.”

Naikuwento pa niya na nagtatago pa sa kumot ang kanyang aso at makikitang parang naiiyak pa ito.

“Kasi ‘yung 3rd post ay video ‘nung mga time na nabi-busy na ako kay Pele (bilang breastfeeding din si Pele ng matagal), pag umpisa na lalaruin ko si Fufu, nagtatago siya sa kumot at biglang nakikita ko may luha,” chika niya.

Aniya pa, “Nakita ko lang itong video ni Fufu habang may hinahanap ako sa phone ko na mga lumang picture at video.”

Nabanggit pa niya na nami-miss na niya si Fufu na pumanaw noong December 2016.

Baka Bet Mo: Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

Tila naka-relate naman ang ilang netizens at ibinahagi sa comment section ang ilan nilang karanasan na kung saan ay nararamdaman din sila ng kanilang furbabies.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Kapag minsan ‘di ko sila masaway, ang gagawin ko kunwari iiyak ako tapos lalapit sila sa akin, diniladilaan ako tapos behave na sila ‘nun.”

“Awwww ganyan din my dog, pag nagtatampo may luha [sad face emoji].”

“Bakit ako naluha [sad face emoji] napalabas tuloy ako ng bahay sabay hug kay Cloud ko.”

Related Chika:

Fur babies sa Cavite hindi nagpakabog sa larong ‘Bring Me,’ viral sa FB

Read more...