Amy Austria 6 years nakipaglaban sa droga: ‘Sabi ko, Lord tanggalin mo na ‘to hindi ko na kaya’

Amy Austria 6 years nakipaglaban sa droga, humingi ng tulong kay Boyet de Leon: 'Sabi ko, Lord tanggalin mo na 'to hindi ko na kaya'

Christopher de Leon at Amy Austria

BINALIKAN ng award-winning at seasoned actress na si Amy Austria ang madilim na bahagi ng kanyang buhay noong kanyang kabataan — nang malulong siya sa ipinagbabawal na gamot.

Taong 1986 daw nang magsimula siyang magyosi at tumikim ng iba’t ibang klase ng droga. Nu’ng una raw ay gusto lamang niyang subukan ang paggamit ng droga hanggang sa maadik na nga siya.

“Para lang masabi na na-try mo. Pero pagdating sa shabu, ‘yun ‘yung hindi mo na ma-stop,” ang simulang pagbabahagi ni Amy sa isang pisode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Its very deceiving, kasi akala mo nagagawa mong normal pa rin, nakakapagtrabaho ka pa rin pero hindi mo alam unti-unti kang lumulubog, unti-unti kang nawawala sa wisyo mo.


“Nade-deceive ka na pati ‘yung paniniwala mo, naiiba na,” kuwento pa ng aktres na napapanood gabi-gabi sa Kapuso series na “Hearts On Ice.”

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Paano ka nakalabas?”

“Si Lord lang talaga,” ang sagot ni Amy.

Aniya, more or less six years tumagal bago siya tuluyang nakawala sa sumpa ng droga matapos magdesisyong sumailalim sa three-day retreat.

Baka Bet Mo: #PG yarn: Amy Austria naloka sa youngstar na hindi namamansin sa taping, pero unang-unang susugod pagdating ng lafang

“Sabi ko kay Christopher de Leon gusto na ulit mag-retreat, three days ‘yung retreat, sabi ko lang sa kanya, ‘Lord, tanggalin mo ‘to hindi ko kaya, I admit hindi ko kaya.

“Alam mo ‘to na six years kong tina-try alisin pero hindi ko kaya ayoko na. I surrender, iyo na ‘to,” aniya pa.


Kasunod nito, naramdaman daw talaga ni Amy ang presence ng Panginoon sa buhay niya at ang pagpapagaling nito sa kanyang pagiging adik.

“Pag-uwi ko ng bahay after that retreat, nawala na. ‘Yung six years na tina-try ko on my own sa sarili kong kakayahan, ginawa ni Lord in three days.

“Sabi ko, ‘Ayusin mo ang buhay ko, i-computerize mo, i-program mo. Ikaw na bahala kung saan ako papunta. I think that’s the first time na talagang I surrender my life to him,” pahayag pa ni Amy.

“Since then umayos lahat, gumanda lahat, smooth lahat, nalagay sa tamang puwesto ang lahat. ‘Yung hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko, ni hindi ko pinapangarap, sobra pa sa naiisip ko, inaakala ko, inaasahan ko ang dumating,” paglalahad pa ng premyadong aktres.

Ito naman ang payo niya sa lahat ng taong nagpaplanong tumikim ng droga, “‘Wag na, walang maidudulot na mabuti, walang magagawang maganda, ‘wag mo sayangin ‘yung buhay mo.

“Tulad ko noon, six years I tried to stop, ang tagal pero hindi ko talaga kaya. Ang daming nasayang, ang daming nasira,” mariing pahayag ni Amy Austria na gumaganap na nanay ni Ashley Ortega sa hit GMA series na “Hearts on Ice” kung saan kasama rin si Xian Lim.

Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho…payag naman kaya ang mga taga-showbiz?

Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi

Read more...