Albert Martinez kontra sa mga babaeng naka-bikini sa socmed nang wala sa lugar: ‘I have daughters and I feel not comfortable with it’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Albert Martinez
NANINIWALA si Albert Martinez na binago ng social media ang kalakaran sa showbiz.
“As a whole, it changed the landscape of showbusiness because now you can self-promote.
“Some use the social media platform as their sounding board which I believe shouldn’t be because you want the whole to know what’s going on with your life, about your thinking?” say ni Albert nang makapanayam namin during our set visit sa “The Iron Heart” location sa Cebu recently.
Ayon sa veteran actor, dapat may limitasyon ang paggamit ng social media at hindi lahat ay dapat i-post lalo na kung may galit o hinanakit ang isang tao.
“Kanya-kanyang opinion ‘yan. Maybe that’s their way of releasing hot air or something but for me, personally, I don’t want to say I’m against but it’s my opinion.
“Siguro hindi na dapat ‘yung mga angst ninyo with your family, with your neighbors ay ilalagay mo sa social media. But I know a lot of people who does that,” say niya.
Ang isa pang hindi gusto ni Albert sa social media ay ang katotohanang maraming babae ang nagpo-post ng naka-bikini kahit wala sa lugar.
Kasi naman, may mga babaeng naka-bikini kahit wala naman sila sa beach. At ang nakakaloka, halos kita na ang kanilang langit-langitan, ha!
“Isa pang hindi ko masyadong gusto with social media is that I see more women posing in two-piece bikinis even if it’s not summer, even wala sa beach. I have daughters and I feel not comfortable with it,” say niya.
In the end, may unsolicited advice ang “The Iron Heart” mainstay sa mga magulang.
“Parents should teach their children that social media is not the life. Maybe social media can enhance your career if you want to hit a goal. Promote yourself based on what you wanna be in your career.
“For example, you’re a good architect, post it. Show your work. You’re a good painter or you’re a good mechanic. It enhances your goal in life.
“But for social media to become your life, you’re addicted to likes, you’re addicted to subscriptions, it eats you up as a person. Again, this is just my opinion,” say niya.
Samantala, hindi natitinag at lalong lumalakas ang suporta ng manonood sa “The Iron Heart” sa mataas nitong concurrent views at trending episodes kaya naman malaki ang pasasalamat ng lead stars ng hit action serye na “The Iron Heart” na sina Richard Gutierrez at Jake Cuenca at pinapangako nilang mas titindi pa ang world-class action scenes na mapapanood ng viewers.
Kasama ni Richard ang kanilang action direktors na sina Lester Pimentel, Wang Yan Bin pati na ang Team Action 360 para mas lalong mapaganda at maipakita ang high-class fighting scenes ang manonood.
“Talagang pinapaganda pa namin lalo ‘yung kuwento, at gagawin pa naming mas maaksyon,” sabi niya.
Ang “The Iron Heart” ay isa lang sa mga dekalibreng action series na nagawa nina Direk Lester, Direk Ace at Team Action 360. Nagsilbing action director din si Direk Ace sa international movies tulad ng “Ah Long PTE LTD” at “The Lion Men” habang si Direk Lester naman ang direktor sa movie na “One Good Day.” Naging parte din si direk Ace ng movies na “Godfather Detective,”Ah Boys To Men,” at “The Assassins.”
Manghang-mangha nga si Jake sa mga nakunan nitong actions scenes na dapat daw ay hindi palampasin ng manonood.
Aniya, “Buwis buhay and self-sacrifice. Everyone is on the same page na gusto namin galingan until we get this done. Ganun yung mindset namin. I can confidently say na expect world-class action scenes and world-class production. Ito na talaga yung level up,”saad niya.