Saab Magalona nag-isolate dahil sa COVID-19, miss na miss na ang pamilya: The most difficult part is being away from my boys 

Saab Magalona nag-isolate dahil sa COVID-19, miss na miss na ang pamilya: The most difficult part is being away from my boys 

PHOTO: Instagram/@saabmagalona

POSITIBO sa COVID-19 ang social media influencer at singer na si Saab Magalona.

Ang malungkot na balita ay ibinandera mismo ni Saab sa social media at sinabing kasalukuyan siyang naka-isolate.

“I was able to dodge COVID for over 3 years and it finally got me. Thankfully, everyone else at home is healthy!!,” caption niya sa Instagram.

Tatlong araw nang may sakit si Saab at ilan sa mga sintomas niya ay ang masakit na ulo at pagsusuka.

Ayon pa sa kanya, bukod sa kanyang mga nararamdaman ay mas nahihirapan siyang maging malayo sa kanyang pamilya kahit madalas silang mag-video call.

Sey niya sa post, “I’m on Day 3 since I tested positive and the headaches have been wild especially in the mornings. Thankful for the video calls with my boys although it’s hard not to cry.”

Dagdag pa niya, “Despite the vomiting and splitting headaches, the most difficult part of this is being away from my boys and hearing them cry when I have to say goodbye on our video calls.”

Baka Bet Mo: Saab Magalona umalma sa nagsabing hindi raw proud sa kanya si Francis M kung buhay pa ito: Mas kilala ko tatay ko sa ‘yo

Maraming kapwa-celebrities naman ang napa-comment sa post ni Saab upang magpaabot ng kanilang dasal at “well-wishes” para sa kanyang paggaling.

“Pahinga lang [red heart emoji],” sey ng bokalista na si Chito Miranda.

Comment ng aktres na si Cai Cortez, “Get well soon momma! I feel you. When I was in isolation/lock in, I invented this game. I say “ako na” on whoever presses the red button first. So mag-uunahan kami kung sino mauuna mag end ng call. Saying goodbye on video call became fun instead of sad. “

Saad naman ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo, “get well soon [red heart emoji].”

Matatandaang taong 2015 nang ikinasal si Saab sa mister na si Jim Bacarro at nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki na sina Pancho at Vito.

Related Chika:

#Kampay: Maxene saludo sa palabang ‘self-healers’ na hindi nagpatumba sa mga kalaban

Read more...