GOOD news para sa mga commuter na “military veteran” o beterano!
Magkakaroon kayo libreng sakay sa MRT-3 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
Ayon sa Facebook post ng Department of Transportation (DOTr), magsisimula ito sa April 10 hanggang 12.
Kailangan lang daw ipakita ang valid identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para ma-avail ang libreng pamasahe.
Bukod diyan, ang isang kasama ng beterano ay magiging libre rin.
“Pahihintulutan din ang isang companion kada beterano na makakuha ng LIBRENG SAKAY,” sey sa FB post.
Nagpaalala din ang MRT-3 management na mananatiling suspendido ang operasyon ng tren hanggang April 9 dahil sa isinasagawang maintenance activities ngayong Holy Week.
Magbabalik sa normal na operasyon ang MRT-3 pagdating ng April 10.
Ang first trip ng nasabing tren ay nagsisimula sa North Avenue, 4:36 a.m., pati rin sa Taft Avenue ng 5:18 a.m.
Habang ang last trip ay 9:30 p.m. sa North Avenue at 10:11 p.m. naman sa Taft Avenue.
Related Chika:
Long weekend sa unang linggo ng Abril; MRT, LRT walang biyahe sa April 6 to 9