MAY bagong superhero film ang DC Comics!
At ito ang “Blue Beetle” na tampok ang kauna-unahang Latino superhero na pinagbibidahan ni Xolo Maridueña.
Sa inilabas na trailer ng Warner Bros. Pictures, mapapanood na ginagampanan ni Xolo ang alter ego bilang si Jaime Reyes, ang college graduate na naging superhero matapo makatanggap ng isang food container.
Nilalaman ng box ag isang klase ng ancient relic mula sa alien biotechnology na tinatawag na “the Scarab.”
Makikita pa sa pasilip na tuluyang nagbago ang buhay ni Jaime matapos siyang mapiling host ng nasabing relic at binigyan pa siya ng kakaibang super powers upang tuluyang maging si Blue Beetle.
Maraming netizens naman ang napa-comment at looking forward sa nasabing pelikula.
Narito ang aming nabasa:
“Okay. I’ll wait for it. I’m so ready for a new hero!”
“This is kinda hyping it up for me and looks very promising. I need to watch it [red heart emoji].”
“Omg [smiling face with heart emoji] I loved watching the cartoon and now the movie is coming out! I had goosebumps just watching the trailer, I can’t wait for the movie. Thank you DC [smiling face with heart emoji].”
Tampok din sa bagong DC film sina Adriana Barraza, Damían Alcázar, Elpidia Carrillo, Bruna Marquezine, Raoul Max Trujillo, Oscar winner Susan Sarandon, George Lopez, at marami pang iba.
Nakatakdang ipalabas ang “Blue Beetle” sa mga sinehan sa August 16.
Related Chika:
Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’