PARA sa paggunita ng Semana Santa ngayong 2023 tinanong ng BANDERA kung ano ang biggest sacrifice na ginawa ng kilalang celebrities para sa mga mahal nila sa buhay.
LA Santos
Pagtulong sa kapwa.
‘Yan ang sakripisyo raw ng singer-actor na si LA Santos sa kanyang buhay na kung saan ay mas inuuna niya raw talaga ang ibang tao.
“‘Yung biggest sacrifice na binigay ko po talaga is mas madalas inuuna ko po ibang tao kaysa sa sarili ko. Mas pinipili ko po talaga na tumulong na lang,” sey niya.
Aniya pa niya, “‘Yan din po ang nakuha ko sa nanay ko talaga na tumulong ng tumulong tsaka kahit wala namang bumalik. Feeling ko, natutulungan ko na rin sarili ko.”
Baka Bet Mo: LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n’yo lang alam kung ano’ng klase talaga siyang tao
Benedict Mique
Family first naman ang peg ng director-producer na si Benedict Mique pagdating sa sakripisyo.
“Biggest sacrifice sa life is usually ‘yung you give up your personal na mga gusto mo para sa ikabubuti ng anak mo, mga kapatid mo,” sabi ng direktor.
Aniya, “‘Yung ibang luxury, ‘yung ibang gusto mong gawin personally, hindi mo gagawin e kasi mas uunahin mo gagawin mo para sa pamilya mo.”
Chika pa niya, “‘Pag bata ka siyempre, sarili muna di’ba, pero when you grow older, especially ‘nung nagka-anak ako, naramdaman ko e na I’m responsible.”
“‘Nung namatay ang parents ko, naramdaman ko na ako na pala ang padre de pamilya sa dalawa kapatid ko. Kasi maaga nawala ‘yung parents namin,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Benedict Mique ibabandera ang iba’t ibang kapalaran ng mga OFW sa Canada; walang balak manirahan sa ibang bansa
Para sa kanya, upang maging masaya ay kailangang masaya na muna ang kanyang pamilya.
“When you see your kids, your family, mga kapatid mo, mga pamangkin mo na masaya, masaya ka na rin,” sey niya.
Vitto Marquez
Naging mahirap naman para sa aktor na si Vitto Marquez nang malayo siya sa kanyang pamilya.
“Nagsarili ako na malayo sa family ko. Big sacrifice to the point na hindi ako sanay na hindi ko nakikita pamilya ko,” sambit ng aktor.
Ani pa, “Mabigat sa akin noong time na ‘yun at nakaka-stress at tumaas anxiety level ko. Na-surpass ko naman and I’m maturing now.”
Related Chika:
Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022